Deadly Music - Chapter 4

1.1K 55 0
                                    

Pagkauwi ni Amanda sa bahay ay ganado syang kumilos.

Para syang nagkaroon ng kakaibang enerhiya sa katawan.

Pakanta-kanta pa sya habang nagkukusot sya ng maruruming damit.

Hindi nya alintana ang tambak na labahin.

At mukhang wala syang magiging kapaguran ngayon.

Ang bilis pa nga ng kilos nya.

Wala eh. Excited na sa kasi syang gamitin yung gitara nya.

Kaya hangga't maaari ay minamadali nyang matapos ang lahat ng gagawin.

"Ate para kang in love. Saya-saya mo eh. Yung ngiti mo hindi na mawala-wala." Puna ni Aira sa kanya.

"Yes sister. I'm in love." Nakangiting sagot nya.

"Huh? May---" Biting reaksyon ni Aira.

"I'm in love with my guitar." Sabi nya.

"Ahhhh... Kala ko may boyfriend ka na eh. Hahaha..." Natatawang sambit nito.

"Wala no! Wala pa sa isip ko yon. Saka ko na iintindihin yon kapag stable na ako, tayo nila nanay at tatay." Sabi nya.

Totoo naman yon.

Wala pa sa isip nya ang magpaligaw.

Wala pa sa plano nya ang magka-nobyo sa ngayon.

Magpo-focus muna sya sa pag-aaral para makamit ang mga pangarap sa buhay.

...

Pagkatapos nga ng mga gawaing bahay ay excited nyang kinuha ang gitara nya at yung song hits na binili nya sa bayan.

Naupo sya sa upuang plastic na pahaba na nakalagay sa labas ng bahay nila.

"Lift your head... Baby don't be scared... Of the things that could go wrong along the way..." Panimulang kanta nya habang tumitipa.

Feel na feel nya talaga ang pagkanta.

May papikit-pikit pa sya ng mata.

Maya-maya ay lumabas na rin ng bahay si Aira.

Naki-kanta na rin ito sa kanya.

"In a world where everybody hates a happy ending story... It's a wonder love can make the world go round... But dont let it bring you down... And turn your face into a frown... You'll get along with a little prayer and a song..." Pag-duet nilang dalawa.

Marami pa silang kinanta pagkatapos non.

Puro love songs ang mga tinugtog ni Amanda.

Walang kapaguran ang daliri nya sa pagtipa.

Enjoy na enjoy talaga sya sa ginagawa.

...

Kinagabihan...

Tahimik na ang buong kabahayan.

Payapang natutulog na ang lahat.

Ang mag-asawang Robert at Sonia ay ay mahimbing ng natutulog sa silid nila.

Si Aira at Alice ay ganun din.

Nakahiga na ang dalawa sa double deck.

Si Aira ang nakapuwesto sa ibaba. Sa taas naman si Alice.

Ang kasama naman ni Amanda sa kwarto ay ang bunsong kapatid nyang si Allona.

Magkatabi sila sa kama at payapa na ring natutulog.

Maya-maya...

Kusang bumukas ang mga mata ni Amanda.

Pagkatapos non ay bumangon ito mula sa kama.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now