Blackie - Chapter 2

1.5K 64 0
                                    

Inampon nga ni Glory ang aso nung malaman nyang walang nagmamay-ari dito.

Ayon sa mga kapitbahay, pagala-gala lang daw ito.

Nakakarating pa nga raw ito sa kabilang barangay.

Siguro sa kahahanap ng pagkain o sa kakasunod sa mga babaeng aso.

Blackie ang ipinangalan nya dito. Purong itim kasi ang kulay nito.

Malinis na ngayon si Blackie.

Pinaliguan nya ito upang bumango at mapreskuhan.

Tuwang-tuwa talaga sya sa pagdating na iyon ni Blackie sa buhay nila.

Nadagdagan kasi ang miyembro ng pamilya nya. Tatlo na sila ngayon.

At saka mapapanatag na sya sa tuwing aalis ng bahay.

Dahil alam nyang poprotektahan ni Blackie ang kanilang tahanan.

...

Samantala sa school...

"Pol... Psssst... " Tawag ni Jommel sa babaeng abala ngayon sa pagsusulat sa notebook.

Agad namang lumingon si Apple sa bintana.

At napangiti sya nung makita ang lalake.

"Jom..." Sambit nya.

Itinigil nya ang ginagawa at lumabas sya ng classroom.

Wala naman silang teacher ngayon kaya okay lang na lumabas sya.

"Sabay tayo mag-recess ha..." Sabi ni Jommel.

"Sige. Punta ka na lang dito maya. Para sabay na tayong pumunta ng canteen." Sagot ni Apple.

...

Samantala sa bahay...

"Blackie mamamalengke lang si mama ha. Bantayan mong maigi 'tong tindahan at saka yung bahay natin. Wag kang aalis dito. Ha? Be a good boy." Pagkausap ni Glory sa aso habang hinihimas nya ang ulo nito at katawan nito.

Nai-lock na nya kanina pa ang pinto ng bahay.

Ang gate naman ay hinawi lang nya. Hindi nya iyon isinara upang makapaglabas-masok si Blackie.

Naroon kasi ang tupperware na pansamantala nyang ginawang inuman ng aso.

Ang tindahan naman nya ay nanatiling nakabukas.

Pero nakasara ang maliit at parisukat na bintana niyon.

Naglagay lang sya doon ng karatulang CLOSE upang malaman ng mga bumibili na walang tindera sa loob.

Ang pintuan naman niyon ay ikinandado nya para siguradong walang makakapasok.

Mahirap na.

Baka kase hindi pa sanay si Blackie na mag-stay lang sa isang lugar.

Baka gusto pa nitong gumala at puntahan ang mga lugar na madalas nitong tambayan.

Or baka pag nakakita ito ng ibang aso ay maisipan nitong umalis at sundan iyon.

Pero malapit lang naman ang palengke.

Konti lang din ang bibilhin nya kaya siguradong makakabalik sya kaagad.

At bago sya tuluyang umalis ay hinalikan pa nya sa noo si Blackie.

Sakay ng tricycle ay nagpahatid sya patungong palengke.

Pagkatapos nyang mabili ang lahat ng nakalista sa papel nya ay nagtungo naman sya sa pet shop.

Plano nyang bumili ng dog food, bowl para sa tubig at pagkain, leash, sabon at shampoo.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now