Deadly Music - Chapter 1

1.4K 61 2
                                    

Bata pa lang si Amanda ay mahilig na sya sa musika.

Gitara ang pinakapaborito nyang instrumento.

Sa edad na sampu ay marunong na syang tumugtog niyon.

Miyembro sya ng choir sa maliit na kapilya nila.

At doon din sa chapel na iyon sya nahasang mag-gitara.

Panganay na anak si Amanda nila Sonia at Robert.

Tatlo ang kapatid nya na pawang mga babae din.

Fouth year high school na sya ngayon at aktibo pa rin naman sya sa klase kahit abala sya sa kapilya.

Mula elementarya ay kasama sya sa mga honored students.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nawawala sa honor roll.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga magulang nya dahil nga hindi nya pimababayaan ang pag-aaral.

Mahirap lang kasi sila.

Janitor si Robert at mananahi naman si Sonia.

Kapos ang sahod nilang mag-asawa kaya hindi sila makapangako kay Amanda na mapag-aaral pa nila ito ng kolehiyo.

Pero dahil matalino ang anak, pwede itong maging iskolar..Makakalibre ito ng tuition fee.

Pagsusumikapan na lang nilang mag-asawa ang iba pang gastusin.

Ang mahalaga ay mapagtapos nila ito kahit two years course lang.

Pag nangyari iyon, makakatulong na ito sa gastusin nila.

At kapag sinuwerte pa ay baka mapagtapos din nila ang tatlo pang anak, sa tulong nga ng panganay na si Amanda.

...

"Malapit na graduation naten. I'm so excited." Sabi ni Eunice, ang bestfriend ni Amanda.

Kasalukuyan silang nasa stage, nag-eensayo para sa nalalapit nilang pagtatapos.

"Ako rin. Excited na akong mag-aral ng college." Sabi naman ni Amanda.

Totoo yon.

Awang-awa na kasi sya sa mga magulang kaya gusto na nyang makatapos ng pag-aaral.

Hirap na hirap na kasi ang mga ito sa pagtatrabaho.

Madalas pag umuuwi ang mga ito ay parang mga basang sisiw.

Hapung-hapo at halos mangalumata na sa kakulangan ng pahinga.

Pagkatapos ay ang liit-liit pa ng nauuwing pera ng mga ito.

Kulang na kulang sa kanila.

Hindi talaga sumasapat ang sweldo ng mga ito sa dami ng gastusin nila.

Kung yung iba ay ilang beses kung kumain sa isang araw, sila hinde.

Tanghalian lang kung magluto sila.

Ang tira non ang syang hapunan nila.

Dadagdagan na lang nila iyon ng itlog o noodles para magkasya sa kanila.

Ang almusal at merienda, hindi uso sa kanila.

Kaya nagpupursige sya sa pag-aaral, upang makatulong sya sa mga magulang.

"Ay! Ahahaaa... Magkaiba pala tayo. Ako kase, excited ako dahil nangako si mama na bibilhan nya ako ng new phone pag graduate ko." Sabi ni Eunice.

"New phone? Aanhin mo naman yon? Eh diba okay pa naman yung cp mo?" Tanong ni Amanda.

"Yeah. Pero luma na eh. Hehehe... At saka may bagong labas ngayon na unit. Gusto kong magkaron non. Besides pinagbuti ko naman yung studies ko. So I think deserve ko ang new phone. Ikaw ba? Anong unit ang ni-request mo sa parents mo?" Tanong nito.

ESMERALDA Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt