Deadly Music - Chapter 8

1.1K 56 0
                                    

Sa lamay...

Hindi na malaman nila Dominic at Ethan kung paanong hahatiin ang katawan.

Tatlo na kasi yung patay sa barkada nila.

Halos maubos na ang isang buong araw nila sa pagpunta at pakikipaglamay sa mga iyon.

Kaninang umaga ay nasa burol sila ni Danilo.

Nung sumapit ang tanghali ay nakipaglamay naman sila kay Kyle.

Gabi naman sila nagpunta kay Ponci.

Dito sila tumagal kase eto na yung huling burol na pupuntahan nila ngayon.

At habang nasa lamay ay tumotoma silang apat.

Matuling lumipas ang oras.

Naka-isang case din sila ng beer na nainom.

Madaling araw na at inaantok na ang mga girlfriend nila kaya naisipan na rin nilang magpaalam sa pamilya ni Ponci.

Pero nangako silang babalik ulit bukas ng gabi.

At tinupad naman nila iyon.

Kinabukasan, kahit antok pa ay tumungo ulit sila sa lamay ni Danilo.

Lunch time ay kay Kyle ulit sila nagpunta.

And lastly, kay Ponci.

At kagaya kahapon, muli silang nag-inumang magkakaibigan.

But this time ay lima na sila. Kasama na nilang uminom si Dessa.

Pero pagsapit ng alas dose ay nagpaalam na rin itong matutulog na.

Open ito sa pamilya ni Ponci kaya dun ito natulog sa room ng namatay na nobyo.

Alas dos naman nagsiuwian ang apat.

Sa labas...

"Oy ha, baka ikaw naman ang sumunod na mag-suicide. Maghunus-dili ka. Hahaha... Hintayin mo muna na mailibing yung tatlo bago ka sumunod." Pagbibiro ni Ethan.

Pero sa totoo lang ay kinakabahan sya ngayon.

Pakiramdam nya ay may susunod talaga.

Ginawa nya lang iyong biro upang mabawasan ang takot na namumuo sa kanyang dibdib.

"Gagu! Ba't ko naman gagawin yon?! Hindi pa ako sawa sa buhay ko no!" Sagot ni Dominic sabay akbay kay Cris.

"Gagawa pa kaya kami ng baby nito. Hehehe..." Dugtong nya sabay halik sa labi ng nobya.

"Maganda na yung malinaw. Haha..." Natatawang sabi ni Ethan.

Pero yung puso nya sige ang pagtambol.

"O sige na. Uwian na. Kita-kits na lang ulit tayo bukas." Sabi ni Dominic habang inaabot kay Cris ang isang helmet.

"Sige. Sige." Sagot naman ni Ethan.

Pagkatapos non ay sumakay na sila ng girlfriend nya sa kotse.

Matapos namang magsuot ng helmet sila Cris at Dominic ay sumakay na rin sila sa motor.

Nag-convoy sila hanggang sa paglabas ng subdivision.

Paglagpas ng gate muli silang huminto upang magpaalaman.

"Ingat kayo." Sabi ni Dominic nung ibaba ni Ethan ang salamin ng kotse nito.

"Kayo din, ingat." Sabi naman ni Ethan.

At naghiwalay na ang dalawang sasakyan.

Sa kaliwang direksyon tumungo sila Dominic.

Kumanan naman ang kotse ni Ethan.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now