Blackie - Final Chapter

1.3K 72 3
                                    

At nang matapos ang session ni Esmeralda---

"Nico tara dito. Kailangan ko ng alalay." Sambit nya habang ang mga mata ay nakatitig pa rin kay Apple.

Agad namang tumalima si Nico.

Pero hindi nya alam kung ano ang gagawin. Basta lumapit lang sya dito.

At nagulat na lang sya nung biglang mawalan ng malay si Apple. Ito pala ang aalalayan nya.

Nasalo naman nya ang babae.

Pagkatapos non ay maingat nya itong pinaupo sa silya.

Agad namang dumalo ang dalawang ginang.

Pinagtulungan nilang asikasuhin si Apple.

"Jommel wala ng oras. Humiga ka na sa katawan mo." Utos ni Esme.

Pero ilang beses ko ng sinubukan yan. Ayaw...

Sabi ni Jommel.

"Wag kang mag-alala, tutulungan kita." Sabi ni Esme.

Bagama't gulat dahil nga nakikita, naririnig at nakakausap sya ng babae ay tumalima naman sya.

Humiga nga sya sa katawang lupa nya.

"Pagsisihan mo ang mga nagawa mong kasalanan Jommel. Mabait ang ating Panginoong Diyos. Basta taos sa puso ang paghingi mo ng tawad, patatawarin ka nya. Maniwala ka. Dahil anak ka nya." Sabi ni Esme.

Muling tumulo ang luha ni Jommel sa narinig.

At muli nga syang humingi ng kapatawaran sa Itaas.

Diyos ko muli akong nagsusumamo sa Iyo, patawarin Mo po ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Huhuhu... Pinagsisisihan ko na po ang lahat. Nadala lang po ako ng galit kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Patawarin nyo po ako. Huhuhuuu...

Pagtangis nya habang nananalangin sa Itaas.

Nag-concentrate naman si Esme.

Maging sya ay taimtim ding nagdasal.

Humingi sya ng basbas sa Itaas upang makabalik na si Jommel sa piling ng mga mahal nito.

Umiiyak na rin si Glory.

Nagdadasal din sya para sa kaligtasan ng anak.

...

Makalipas ang ilang minuto...

Nagkamalay na si Apple.

At ang una nyang nasilayan ay si Esmeralda.

Nakatirik ang mga mata nito habang hawak-hawak ang kamay ng nobyo.

Pero hindi na sya nagulat.

Hindi rin sya nagtaka.

Alam nya kasing may ritwal itong ginagawa.

Pero sa isip nya, ang puso nya, nagsusumamo rin sa Itaas na muli sana nyang makasama ang lalaki.

Maya-maya...

Biglang huminto ang paghinga ni Esmeralda.

Nakahugot pa iyon at nabitin paitaas.

Nag-alala naman ang lahat lalo na nung bigla itong nagkikikisay.

Pigil ang hininga nila.

Bawat isa ay nananalangin na sana ay maging matagumpay ang pagbabalik ni Jommel.

At ilang saglit pa ay kumalma na rin si Esme.

Dun lang nakahinga ng maluwag sila Glory.

Habul-habol naman ni Esmeralda ang paghinga nya.

Para syang galing sa napakalayong lugar.

At napapikit na lang ito sa sobrang kapaguran.

Nakamasid naman sila Glory.

Walang may lakas ng loob sa kanila na magtanong o mag-usisa sa babae.

Hanggang sa---

"Jommel?!" Biglang sambit ni Apple.

Nakita nya kasing gumalaw ang mga daliri ng nobyo.

Sa sobrang tuwa ay napatayo pa sya.

Nagsilapitan naman ang iba.

At ganun na lang yung tuwa ni Glory nung makita ang unti-unting pagmulat ng anak.

"Diyos ko po... Maraming maraming salamat po. Huhuhuu..." Umiiyak na sambit nya.

Napa-iyak na rin si Apple.

At hindi na sya nahiya sa mga kasama nya. Yumakap na sya sa katawan ni Jommel.

...

Days later...

"Nay papasok na ho ako." Paalam ni Jommel sa ina.

"Sige anak. Ingat ka." Sabi ni Glory habang abala ito sa pagbubukas ng tindahan.

Binalingan naman ni Jommel ang aso nila.

"Blackie babye. Papasok na si kuya." Sabi nya dito.

"Arf! Arf!" Sagot naman ni Blackie.

Saktong may dumaan na tricycle kaya pinara na nya iyon.

"Nay alis na po ako." Sigaw nya sa ina bago tuluyang umandar yung sinasakyan nya.

Hindi na sya nagba-bike ngayon pag pumapasok sya sa school.

Legal na kase ang relasyon nila ni Apple kaya nahahatid at sundo na nya ito.

Nakakatambay na rin sya sa bahay ng nobya.

Pero nagpupunta pa rin sila ng tulay.

Marami kasi silang alaala doon kaya memorable ang lugar na iyon sa kanila.

Ang mapait na kahapon ay tuluyan na nilang kinalimutan.

Ibinaon na nila iyon kasabay ng pagkakalibing nung demonyong si Byron.

At mula nung magkamalay si Jommel, naging kaibigan na nya si Nico.

*********************

Wakas...

ESMERALDA Book 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora