Niño - Chapter 2

1.2K 54 0
                                    

Kinabukasan ay muling naghanda ang mag-asawa para maghanap ng lupang pwede nilang pagkakitaan doon.

Hindi kase habampanahon ay may ipon sila.

Mauubos at mauubos din iyon kaya kailangan nila ng hanap-buhay.

Sakto namang may nakapagsabi kay Elma, ang kapatid ni Eda, na meron daw binebentang lupa yung kaibigan ng kumare nito.

Pupuntahan nila iyon ngayon.

Hinihintay lang nila si Elma dahil ito ang may kontak dun sa seller.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang hinihintay nila.

Sakay ito ng tricycle na pag-aari nito mismo.

Ang asawa naman ito ang nagda-drive.

"Tara na." Yaya ni Elma sa kapatid.

Saglit lang syang bumaba ng trike.

Pagkatapos ay muli silang sumakay ng kapatid nya.

Sa labas naman naupo si Lando, katabi ng bayaw nitong si Tirso.

"Ate sa palagay mo magkakasundo kaya kami nung kaibigan ng kumare mo?" Tanong ni Eda sa kapatid.

"Oo naman. Ang sabi ni Mareng Susan rush daw yun eh. Mangingibang bansa na raw kase ang buong pamilya. Tapos mababa lang daw ang bentahan. Paunahan na lang daw. Ang ipanalangin mo, sana wala pang nauna sa atin." Sabi ni Elma.

"Ganun ba. Naku sana nga ate. Sana ibigay ito ni Lord sa amin." Sabi ni Eda.

Napapikit pa sya at humiling sa Itaas.

"Maganda raw yung pwesto eh. Malaki daw. Pwedeng pagtaniman ng kung anu-ano. Sibuyas, palay, mais. Etc. At pwede ring gawing babuyan. Uso yun dito eh, yung piggery." Sabi ni Elma.

Natuwa naman si Eda sa narinig.

Marami palang pwedeng gawin sa lupain na iyon.

Ngayon pa lang nakikinita na nya ang magandang income nila doon.

Ilang saglit pa'y humimpil na rin ang kinalululanan nilang tricycle.

Nagtaka si Eda dahil wala syang matanaw na bukirin.

At ang bahay na hinintuan nila ay napapa-tipikal. Bahay-probinsya talaga ang itsura.

Hindi iyon ang inaasahan nya.

Sa pagkakakwento kasi ng ate nya, mukang maalwan ang pamilyang iyon. Kasi nga mangingibang bansa na.

"Dito na ba tayo?" Tanong nya.

"Oo. Tara na." Sabi ng ate nya.

Tapos nagpatiuna na itong maglakad.

Hinintay naman nya ang asawang si Lando pagkatapos ay sumunod na rin sila sa loob.

...

Mabait naman yung ginang.

Palangiti ito kaya naging panatag na rin si Eda.

Mababa nga lang na ibenebenta yung lupa.

Ang kainaman pa, may binhi ng nakapunla doon.

Sa anihan, kanila na rin daw iyon sabi nung ginang.

Medyo malaki naman ang savings nilang mag-asawa.

Kayang-kaya nilang bilhin ora-mismo yung lupa.

May sosobra pa nga sa ipon nila.

Makakabili pa sila ng pampasadang tricycle.

At makakapagpagawa pa sila kahit maliit lang muna na bahay.

ESMERALDA Book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang