Niño - Chapter 3

1.2K 53 0
                                    

Para makasiguro ay nagpunta ng ospital ang mag-asawa.

At ayon sa OB na nagtingin kay Eda, positive nga.

Buntis na nga ito at nasa tatlong buwan na iyon.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng anak.

...

Mula nung araw na malaman ni Lando na buntis ang asawa ay palagi syang nakabantay at naka-alalay dito.

Ang sakahan nila at mga pananim ay inihabilin muna nya kay Tirso.

Hindi pa naman ganon kalaki ang tiyan ni Eda pero hindi na nya ito pinagtatrabaho pa.

Hindi nya ito pinapayagang magkikikilos sa loob ng bahay.

Mula sa paglilinis, pagluluto ng pagkain, paghuhugas ng plato at maging ang paglalaba, lahat inako nya.

Unang baby kasi nila ito kaya ganun na lang ang pag-iingat nila.

Hindi rin nila kinakalimutan magpa-prenatal check up buwan-buwan.

Pati mga gamot at vitamins na kailangang inumin ay palaging kumpleto at nasa tamang oras ang pag-inom.

Hindi rin binibigyan ni Lando ng sama ng loob ang asawa.

Lahat ng gusto nito ay sinusunod nya.

Wala namang naging problema sa pagbubuntis ni Eda.

Kung magkasakit man sya ay minor lang.

Sipon lang iyon at konting ubo na agad namang napapagaling ng mga prutas.

Pero nung sumapit ang kabuwanan nya, palagi ng sumasakit ang tiyan nya.

Malayo pa naman ang due date nya pero parang gusto na talagang lumabas nung baby nya.

Minsan namimilipit na sya sa sakit.

Dumating pa yung time na umiyak talaga sya dahil hindi na nya kaya.

Itinakbo sya kaagad sa ospital non.

Pero ang sabi ng OB nya hindi pa raw sya manganganak.

Baka daw excited lang si baby na lumabas kaya ganun ito kalikot.

Medyo napanatag naman ang mag-asawa.

....

Kinagabihan...

Mahimbing na natutulog ang mag-asawa.

Pagpatak ng alas dose impunto ay biglang napamulat ng mata si Eda.

Kumikirot na naman kasi yung tiyan nya.

Pinakiramdaman nya ang sarili.

At agad nyang ginising ang asawang si Lando nung magtulu-tuloy na nga ang pananakit ng tiyan nya.

Tumagal iyon ng ilang minuto.

Grabe ang paghilab niyon. Daig pa non yung manganganak na talaga.

Halos maiyak na sya sa sobrang sakit.

Sigaw sya ng sigaw.

Naka-alalay naman si Lando.

Hindi nito malaman ang tamang gagawin.

Bigla syang nataranta.

"Araaaaaay... Ayoko naaaaaa..."

Mahabang sigaw ni Eda habong sapu-sapo ang malaking tiyan.

Dun na nagdesisyon si Lando na dalhin na sa ospital ang asawa.

Pero nung bubuhatin na nya ito ay bigla itong kumalma.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now