Blackie - Chapter 3

1.3K 52 0
                                    

Hindi matanggap ni Byron na nabalewala sya ni Apple.

Sa lahat kasi ng babae, dito lang sya tinamaan ng husto.

Noong una nya itong makita, nabighani na sya sa ganda nito.

Ang ganda pati ng hubog ng katawan nito kaya lalo syang natakam.

Binalak nya itong kunin sa dahas noon.

Pero hindi nya ginawa sapagkat iba nga ang tama nya dito.

Pero ngayong nalaman na nya na may nobyo na ito, itutuloy na nya ang masamang pinaplano.

Hindi nya iyon kailanman matatanggap---

Na naunahan sya ni Jommel at mauunahan pati sa pag-angkin sa katawan ni Apple.

...

Sabado...

Isang mensahe ang natanggap ni Apple kay Byron.

Magkita tayo. Gusto ko lang marinig ang paliwanag mo tungkol kay Jommel...

Pero hindi iyon pinansin ni Apple.

Para sa kanya, wala syang obligasyon na magpaliwanag.

Desisyon nya iyon at wala ng paki don si Byron.

Pero hindi sya tinantanan ng lalake.

Muli itong nagpadala ng mga mensahe.

Baka pwede mo naman akong pagbigyan sa isang date. Kahit iyon man lang ang maging pakunswelo ko sa tagal kong panliligaw sa'yo.

Pangako pagkatapos non, titigilan ko na kayong dalawa. So please, just one date.

Malapit na akong mapikon. Kanina pa ako nagtetext sa'yo pero hindi ka nag-rereply.

Wag mo kong galitin Apple. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin.

Kapag hindi mo ako pinagbigyan, alam mo na kung anong mangyayari kay Jommel.

Wala tayong sisihan ha? Ang ganda ng pakiusap ko sa'yo pero dinededma mo lang ako.

Dun na nagreply si Apple.

Naisip nya kase ang kapakanan ni Jommel.

Ayaw nyang masaktan ito ng grupo ni Byron.

At saka naisip nya, date lang naman yon. Wala naman sigurong mawawala.

After non ay matatahimik naman na sila. Hindi na sila guguluhin pa nila Byron.

At ang pagpayag nyang iyon ay inilihim nya kay Jommel.

Alam nya kasing hindi ito papayag sa desisyon nyang iyon.

...

Kinagabihan...

Kanina pa naghihintay si Byron sa garden nila.

Naayos na rin nya kanina pa ang lahat para sa date KUNO nila ni Apple.

Maya-maya ay naka-receive na sya ng mensahe galing sa babae.

Papunta na raw ito.

Agad naman nya itong inabangan sa gate.

"Salamat dumating ka." Nakangiting sabi ni Byron sa dalaga.

"Hindi kita pinagbigyan dahil gusto ko rin nito. (Pause) Gusto ko lang na tantanan mo na kami ni Jommel. Kaya please tumupad ka sa pangako mo. Tuparin mo ang usapan natin." Inis na sambit ni Apple pagkatapos ay pumasok na sya sa loob.

Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ni Byron dahil sa narinig.

Napalitan iyon ng galit.

Nanlilisik ang matang tiningnan nya ang nakatalikod na babae.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now