Deadly Music - Chapter 14

1.1K 54 0
                                    

"Ang susunod na mamamatay ay si Amanda, ang katukayo mo. Hindi natin iyon mapipigilan sapagkat iyon ang nakatakda. At hindi ko ibubuwis ang buhay ko para lang sa kanya. Sa isang taong manloloko, manggagamit. Kung nakikita kong magbabago sya, baka sakali pa Amanda. Kaso ayon sa vision ko, maitim talaga ang budhi nya. At hindi na iyon mababago pa." Sabi ni Esmeralda.

"Jusko!" Sambit ni Amanda.

Habol na nya ngayon ang hininga.

Wala pa man pero kinakabahan na sya.

Sa totoo lang ay ayaw na nyang maging kasangkapan pa ng Diyablo.

Pero anong gagawin nya?

Nakokontrol naman sya nito.

Nabasa naman ni Esme ang tumatakbo sa isip nya.

"Ang nakatakda ay nakatakda. Hindi man ikaw ang tutugtog mamaya, may ibang gagawa. Kung wala, kusa itong tutugtog ng mag-isa." Sabi nya.

Lalong natakot si Amanda sa nalaman.

Parang gusto na nyang maiyak.

"Eh kung wasakin kaya natin 'to?" Suhestiyon nya.

Ang gitarang nakasukbit sa katawan nya ang tinutukoy nya.

Umiling naman si Esmeralda.

"Hindi pa oras para mapuksa yan. Isang tugtog pa Amanda. Pagkatapos non ay makakapasok na ako sa sitwasyon. Masyadong risky kung ngayon ako mangengealam. Sabi ko nga, hindi ko ibubuwis ang buhay ko para sa babaeng iyon. Pero sa mga susunod na magiging biktima, itataya ko na ang buhay ko." Sabi nya.

"Anong ibig mong sabihin ate? Akala ko ba--- Last na si Amanda?!" Tanong nya.

"Oo. Si Amanda ang nasa huling listahan ni Matilda. Pero tuso ang diyablo. Hindi sya papayag na basta na lang matapos don ang patayan. Ikinalulugod nya ang ganoong gawain. Kaya sa ayaw at sa gusto ni Matilda, magpapatuloy ang patayang nagaganap. At ang mga susunod na mamamatay ay ang mga nobya nung mga lalake. Next si Matilda. (Pause) At ikaw. At marami pang susunod Amanda. Marami pa." Sabi nito.

"Huh?! P-pati ako ate? Baket? Anong kinalaman ko sa kanila? Ayoko ate. Ayoko pang mamatay. Huhuhuuu..." Sabi nya.

Tuluyan na ngang pumatak ang luha nyang kanina pa nya pinipigilan.

Lalo ring nadagdagan ang takot sa dibdib nya.

"Wag kang mag-alala. Tutulungan kita Amanda. Pangako." Sabi nito.

At napayakap na sya kay Esmeralda.

"Wag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano. Remember may trabaho ka pa. Basta akong bahala sa'yo. Hindi ka mapapahamak. Ipinapangako ko yan sa'yo. Kaya cheer up okay? Galingan mong kumanta mamaya ha. Para marami kang tip." Pagpapakalma ni Esme sa babae.

Tumango naman si Amanda.

"Basta ha kapag ako ang nag-request dapat libre. Walang bayad. Hehehe..." Sabi nya.

"Oo ba. Yun lang pala eh. Kahit mapaos ako ate, okay lang. Basta ikaw ang nag-request." Sabi nito.

Pinilit nitong ayusin ang sarili.

Pagkatapos nyang punasan ang luha nya ay ngumiti na rin sya.

"Wow ha. Sinabi mu yan ah." Sabi ni Esme.

"Opo ate. Hihihi..." Sabi nya.

...

Matuling lumipas ang mga oras.

Kagaya ng sinabi ni Esmeralda, ang nakatakda ay nakatakda.

Pagsapit nga ng alas tres ng madaling araw ay muling tumugtog ang gitara.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now