Deadly Music - Chapter 11

1.1K 59 1
                                    

Alas diyes pasado na.

Sarado na ang restaurant.

"Kayo ingat ha? Lalo na ikaw. Kase ikaw dala swerte amin pamilya." Nakangiti at masayang sabi ni Mr. Cheng sa mga empleyado nya partikular kay Amanda.

"Yes sir. Kayo din po ni mam, ingat din po kayo pauwe." Sabi ni Amanda.

Ngumiti naman ang esposa ni Mr. Cheng.

Pagkaalis ng mga amo ay naglakad na rin sila Amanda papuntang sakayan.

Bale lima sila ngayong magkakasabay. Dalawang cook, isang waiter at waitress, pagkatapos ay si Amanda nga.

Yung dalawang dishwasher lang ang nahiwalay sa kanila.

Walking distance lang daw kase ang bahay ng mga ito. Sa kabilang kanto lang.

Maya-maya...

"Huy! Yan yung babae kanina o." Sabi ni Billy.

Pagkatapos nitong sikuin si Amanda ay inginuso na nito ang babaeng naka-shades pa rin kahit gabi na.

"Huh? Sure ka kuya?" Tanong ni Amanda.

"Oo." Sagot ni Billy.

"Ah sige una na kayong umuwe." Sabi nya.

"Huh?! Hintayin ka na namin." Sabi ni Billy.

"Hindi na kuya. Sige na una na kayo." Sabi nya tapos ay pinuntahan na nya agad yung babae.

Walang nagawa sila Billy kundi iwan na nga sya.

"Dun tayo." Sabi agad ni Esmeralda sa kanya hindi pa man sya nakakapag-hello dito.

Pagkatapos nitong tumalikod ay naglakad na ito papunta sa puno.

May concrete bench doon na syang inuupuan ng mga taong nagpupunta sa lugar na iyon.

Kunot-noo syang sumunod dito.

Pagkatapos ay tumabi sya sa kinauupuan nito.

"Ako si Esmeralda. Esme na lang para umiksi. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. May sa-demonyo ang gitarang yan. At nasa panganib na pati ang buhay mo ngayon." Sabi nito.

Nagulat sya sa narinig.

Kaya hindi nya napigilang mag-react kaagad.

"Huh?! Pinagsasasabi mo 'te? Okay ka lang?!" Salubong ang kilay na tanong nya dito.

Napabuntong-hininga na lang sya nung mapagtanto na baliw pala ang kausap.

At sa isip nya, natatawa na naiiling na lang sya.

Anong may sa-demonyo? Tsss... Eh swerte nga sa akin itong gitarang 'to eh. Naku ate. Sabog ka ata...

Bulong pa nya.

Nabasa naman ni Esme ang tumatakbo sa isip ni Amanda.

Pero hindi sya nagalit dito nung pagtawanan lang nito ang mga sinabi nya.

Napagkamalan pa syang baliw at nag-aadik pero ayos lang iyon sa kanya.

Hindi nya ito masisisi.

Kahit sino naman ay magtataka at hindi talaga maniniwala sa kanya.

Masyado siguro syang naging mabilis.

Siguro, dapat ay hininay-hinay nya ang pagsasalita sa babae.

"Alam mo bang tuwing alas tres ng madaling araw ay lumalabas ka pa ng bahay at tumutugtog ka ng gitara?" Tanong nya dito.

"Ate maaga po akong natutulog. Hindi na po ako lumalabas ng bahay lalo't madaling araw na. Ang dilim-dilim na kaya non. Nakakatakot na." Sabi ni Amanda.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now