Niño - Chapter 1

1.5K 65 6
                                    

Sa isang malayong probinsya ng Visayas naninirahan ang mag-asawang Eda at Orlando.

Pareho na silang walang mga magulang.

May mga kapatid sila pero may kanya-kanyang ng pamilya at sa ibang lugar ang mga ito nakatira.

Tatlong taon ng nagsasama sina Eda at Orlando ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan kahit isang supling man lang.

Sabagay abala kasi sila sa kani-kanilang trabaho kaya hindi nila masyadong napagtutuunan ng pansin ang pagsasama nila.

Ang pagtatalik nila ay napakadalang mangyari.

Abala kasi sa pagsasaka si Orlando.

Mas marami pa ang oras nito sa kabukiran kesa sa loob ng bahay.

Nagkakaroon lang sya ng oras sa asawa kapag tapos na ang obligasyon nya sa bukid.

Isang guro naman si Eda.

Sa Azuncion Elementary School ito nagtuturo.

Ito ang natatanging eskwelahan sa lugar nila.

At dahil may kalayuan ito mula sa kanila ay madilim-dilim pa kapag umaalis ng bahay si Eda.

Mga alas singko iyon ng madaling araw.

At madilim na rin kung sya ay umuwi ng bahay.

Mga ala sais naman iyon hanggang alas syete ng gabi.

Ang uwi nya ay depende sa dami ng ginagawa nya sa eskwelahan at sa jeep na masasakyan pauwi sa barangay nila.

At nagkakaroon lang sya ng oras sa asawa kapag Sabado at Linggo.

Or kapag suspendido ang klase.

...

Gabi...

"O andyan ka na pala. Sakto ang dating mo, nakaluto na ako ng hapunan." Sabi ni Orlando sa kadarating lang na asawa.

"Talaga. Anong niluto mo? Mukang masarap ah. Am'bango eh." Sabi ni Eda.

Bagama't pagod ay nagawa pa rin nyang ngumiti at maging magiliw sa mabait na esposo.

Pero kung sya lang ang masusunod, mas gusto nyang mahiga na at magpahinga kesa ang kumain.

"Pakbet. Ang paborito mo. (Pause) Kamusta naman ang biyahe mo? Mabuti nakasakay ka kaagad. Kamusta ang araw mo sa school? May pasaway na bata na naman ba?" Tanong Lando habang nagsasandok sya ng ulam sa mangkok.

"Wow. Sarap naman. Bigla akong nagutom." Sabi ni Eda.

Pagkatapos nyang ilapag ang mga gamit sa sofang gawa sa kahoy ay lumapit na sya sa asawa.

Matapos nya itong halikan sa labi ay tinulungan na nya itong maghain ng kanilang hapunan.

"Okay naman ang biyahe ko. Sakto paglabas ko ng school, may dumaan ng jeep. About sa mga estudyante ko? Ay nako! Ganun pa rin. May namumukod-tangi pa rin sa kabaitan. Jusko! Matutuyuan na ata ako ng dugo sa batang iyon. Palagi na lang pinasasakit ang ulo ko." Sabi ni Eda.

Pagkatapos nyang maglagay ng kanin sa dalawang plato ay naupo na sya sa tabi ng asawa.

"Mukhang si Aaron na naman yang tinutukoy mo ah." Sabi ni Lando.

"Sya nga. Hahaha. Tara na magdasal na tayo at ng makakain na. Gutom na rin ako eh." Sabi ni Eda.

Hindi sya nagmamadali dahil gutom na talaga sya.

Kundi gusto na talaga nyang magpahinga.

May gagawin pa kasi syang lesson plan mamaya.

At questionaire para sa nalalapit na pagsusulit ng mga bata.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now