Deadly Music - Chapter 12

1.1K 54 0
                                    

Hours before...

Hindi makapaniwala si Ethan na wala na si Dominic.

Sising-sisi sya ngayon kung bakit sya nakapagbitaw ng ganung klaseng biro sa kaibigan.

Pero nagjo-joke lang naman ako. Bakit nya sineryoso?!

Paulit-ulit nyang tanong sa sarili nya.

Sa sobrang guilt nya ay hindi sya lumabas ng bahay.

Ilang beses syang kinontak ni Amanda pero hindi talaga sya nito napilit na umalis.

Umaga pa lang, pagkatapos nyang mabalitaan yung nangyari kila Dom at Cris ay nag-umpisa na syang mag-inom.

"Uy tol... Aga nyan ah..." Bati sa kanya ng kapatid nyang si Tristan.

Papasok na ito sa trabaho nung makita nito ang kuyang nagmumumog na ng alcohol.

Hindi naman sumagot si Ethan.

Nakatitig lang sya sa basong may lamang alak.

Maya-maya ay nag-ring ang cp nya.

"Hello." Tamad na tamad na sagot nya.

"Kumain ka na ba?" Tanong nung nasa kabilang linya, si Amanda.

"Oo." Pagsisinungaling nya.

"Andito ako ngayon sa ospital. Nakausap ko si Cris. Ang sabi nya bago ibangga ni Dominic yung motor dun sa truck ay may nangyari daw ditong kakaiba." Sabi nito.

Bigla syang nagka-interes sa sinasabi ng nobya.

"Ano daw?" Tanong nya.

"Nakarinig daw si Dom ng tunog--- Tugtog o musika? Hindi sya sure eh. Basta nabadtrip daw si Dominic kase nga am'pangit daw nung tugtog. Masakit ata sa tenga. Tapos nakukulili na daw ito. Pagkatapos non binilisan na nito ang pagpapatakbo ng motor. Hindi na nya makausap non si Dom. Hindi na raw sya pinapansin kahit anong kalabit nya. Tapos yun nga binangga na nito yung truck na papasalubong." Pagkukuwento nito.

Pero nangunot lang ang noo nya nung marinig ang lahat.

Anong koneksyon non?!

Tanong pa nya.

Kahit anong limi ang gawin nya ay hindi nya maikonek yung tugtog sa pagbangga nito sa truck.

"Hey! Andyan ka pa ba?" Tanong ni Amanda.

"Huh?! Ahhh--- Yeah. Inisip ko lang yung mga sinabi mo. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit ibinangga ni Dominic ang mahal na mahal nyang motor dun sa truck? Tapos kasama pa nya si Cris. Eh mahal na mahal nya rin yun eh. Ano yon? Nabadtrip lang sya kaya nya ginawa yon?" Tanong nya.

"Yun nga din yung pinagtataka ko eh. Maging yung mga pulis na nag-imbestiga at yung pamilya ni Dom, naguguluhan din." Sabi nito.

"Haist! (Pause) Matagal ka pa ba dyan? I need you here." Sabi nya.

Parang bigla syang nalungkot lalo na nung makitang wala ng katao-tao sa bahay nila.

Nasa trabaho na kasi ang mga kapatid nya.

Ang parents nya naman ay matagal ng patay.

Nakaramdam din sya ng kahungkagan dahil sobrang tahimik ng paligid.

Kaya naman naisipan nyang papuntahin na lang ang nobya upang may makasama sya.

"I'm sorry pero ako ang bantay ngayon kay Cris. Alam mo naman diba, wala ang family nya dito. Nasa province. Pero yung ka-boardmate nya dadating daw mamaya. Pag may bantay na sya, punta ako agad dyan promise." Sabi nito.

ESMERALDA Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon