Blackie - Chapter 9

1.3K 61 0
                                    

"Anak ng pagong!" Gulat na sambit ni Byron nung makitang biglang  lumundag yung aso sa hood ng kotse.

Hindi nya alam kung napuruhan ba nya ito o hinde.

Pero naramdaman nyang tinamaan nya ito.

Sa lakas non ay siguradong iindahin iyon ng aso.

"Ginagalit mo ko ah... Tapos ka sa akin ngayon." Sambit nya.

Matapos nyang kunin yung baril ay bumaba na sya ng kotse.

Nagpalinga-linga sya.

Hinanap nya yung aso pero hindi naman nya ito makita.

Tiningnan na rin nya ang ilalim ng sasakyan ngunit wala ito.

"Tang-ina! Natakasan ata ako ah..." Sambit nya sabay iling.

Nagpalakad-lakad pa sya.

Nagbabaka-sakaling makikita ang itim na aso.

Pero wala pa rin talaga.

"Sinayang mong oras ko animal ka!" Galit na sambit nya habang naglalakad pabalik ng kotse.

Pagkapasok nya sa loob ay inilapag na nya yung baril sa kabilang upuan.

Isasara na sana nya yung pinto nung may marinig syang pag-angil ng aso sa kanyang likuran.

Dahan-dahan syang lumingon.

At ganun na lang yung gulat nya nung makita doon ang kanina pa nyang hinanap na aso.

"Put---" Biting sambit nya.

Hindi na nya naituloy ang pagmumura dahil dinaluhong na sya nung aso.

"Aaaaaaaahhh... Aaaaaaaaaaahhh... Aaaaaaaaaaaahhhh..."

Sunud-sunod na sigaw nya.

Pumuslit agad ang masaganang dugo mula sa leeg nyang sinakmal ng aso.

Pinilit nyang abutin yung baril kahit hirap na hirap na sya.

Kakaibang sakit yung nararamdaman nya ngayon.

Para syang inooperahan ng gising.

Pero kahit anong pilit nya ay hindi nya makuha yung baril.

Galit na galit naman si Blackie.

Gigil na gigil ito habang winawakwak ang leeg ni Byron gamit ang mga ipin at pangil na animo lagare sa talas.

"Grrrrrrrrrowl... Ngaaaaaaaarsh..." Tunog na lumabas sa bibig nito.

Sinubukan naman ni Byron na tumakas.

"Aaaaaaaaaaaaaaahhh..."

Malakas at mahabang sigaw nya nung lakas-loob nyang itinulak yung aso palayo sa leeg nya.

Pakiramdam nya ay wala na syang leeg nung mga oras na iyon.

Feeling nya ay ang laki ng natagpas sa balat nya.

At mas mahapdi at makirot ang nararamdaman nya ngayon.

Hindi na nya malaman kung paano papapatin ang dugong sumisirit sa leeg nya.

Lalo na iyong dumami.

Parang gripo na iyon sa lakas ng tagas.

Nung makalabas si Byron ay sinundan pa rin sya nung aso.

Ang sugpungan naman nya ang sunod nitong sinakmal.

"Aaaaaaah... Waaaaaaag... Tama naaaaa... Tama naaaaa..." Pakiusap ni Byron.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now