CHAPTER 37: The Only Exception

7.6K 154 41
                                    

DIANNE's

MAS lalo kong binibilisan ang pagmamaneho nang pumapasok sa isipan ko ang kalagayan ni Hardy. He might be drowning in his own tears right now. I'm sure that he's really scared at the moment.

Bakit naman si Hardy pa ang kailangang mapahamak? Napakabata pa niya at napakabait pa. Bakit hindi na lang mga walang kwentang tao? Bakit 'di na lang ang ibang mayayamang ganid din sa kayamanan?

I understand Hardy; I know what he's feeling right now, because I myself had been kidnapped before. Pero matindi ang kay Hardy dahil napakabata pa niya. Ayokong matakot siya, ayokong ma-trauma siya. He deserves a peaceful life.

Kanina ay inis na inis ako dahil missing in action si Harry. Hindi ko tuloy alam kung anong uunahin ko, kung babalik ba kay Mama o maghihintay kay Harry dito sa bahay. Mabuti na lang at si Chloe na muna ang nagbantay kay Mama sa hospital at pinuntahan ako nina Kristine. At least may kasama akong nasisira

Nag-antay ako ng tawag nila, o 'di kaya'y sulat. Until someone called me-the kidnapper-when I was outside the house.

He told me kung saan sila naroon. Humingi pa nga ako ng tawad dahil masyadong malaki ang one million so they made it one million and five hundred thousand pesos na lang. I asked them kung kailan and they told me na right away daw kaya kinabahan ako.

Wala si Harry, walang tutulong sa'kin.

Pero mas kinabahan ako nang sabihin nilang ako ang dapat magpakita sa kanila at hindi si Harry, at siguraduhin kong walang pulis, at wala akong ibang kasama.

I got confused. Bakit kailangang ako lang? At the same time nakaramdam ako ng takot, what if may gawin silang masama sa'kin as worse as rape? Pero kung kaligtasan naman ni Hardy ang kapalit, I'm willing to be tortured.

Biglang lumapit sa'kin sina Christine and Jeriko, kanina pa raw nila akong pinagmamasdan.

I did not entertained them. Instead, I went back inside at dire-diretsong pumunta sa room at kinuha ang pera sa vault. Nakita nina Christine ang ginawa ko because they keep on following me.

Pero wala na kong pake, hindi na gumagana nang ayos ang utak ko. Basta ang alam ko, kailangan kong maligtas si Hardy, kahit buhay ko pa ang kapalit.

THAT'S why I'm here. Here in this abandoned orphanage. May karatula sa harap ng bahay, it says it's an orphanage, ngunit burado na ang pangalan ng orphanage na ito.

I held my briefcase tighter. Natatakot man ako ay pinilit kong maging matapang. Para kay Hardy, para kay Arianne, para sa pamilya ko.

Naglakad ako papasok ng lumang orphanage. Mas lumang tignan ang loob, puro alikabok. Paanong makakatagal si Hardy sa ganitong kaduming lugar? Kawawa naman ang baby ko.

I kept on walking, kung titignan ay parang nasunog ang ampunan na ito dahil sa mga naiwang bakas. Talagang napabayaan na.

Napakislot ako nang may tumawag. Agad ko itong sinagot. "Hello? Nandito na ko. Nasaan ang anak ko?"

"Relax ka lang, makukuha mo rin ang anak mo."

"Nasaan nga siya?! Kailangan ko siyang makita!"

"Tumingin ka sa itaas na palapag."

Dahan-dahan akong tumingala, nanginginig pa ako sa takot dahil hindi ko sigurado kung ano na bang kalagayan ng anak ko. Who knows...baka... baka...ni hindi ko man lang lubos na maisip.

"Tumingin ka!"

Napakislot ulit ako dahil sa gulat. Tumingin na ko sa itaas at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ang anak ko! Mga wala kayong puso!"

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now