CHAPTER 35: Everyone Else

7.9K 145 70
                                    

DIANNE’s

HUMINGI ako ng 3 days na leave sa boss ko. I had a maternity leave na before kaya hindi ako magtataka if one of these days i-fire na ko.

But what can I do? Kailangan kong bantayan si Mama. Si Papa nagtatrabaho, hindi naman pwede ang um-absent sa kanila, limited lang ang number of absences. Hindi rin naman pwedeng ipabantay si Mama kay na Yaya, sinong magbabantay ng bahay?

That's why I am left with no choice. Isa pa, gusto ko rin dito sa ospital. Hindi lang si Mama ang binabantayan ko kundi ang little sister ko. Yes, she's a girl.

I remembered when I was younger; I threatened my parents na once my Mama gave birth to a girl, maglalayas ako. Ayoko kasi ng may kapatid. Gusto ko only child lang ako. I was raised to have the things in life alone, 'yong walang kahati, walang kaagaw. Kaya ayokong may bigla na lang dumating na kapatid at makikihati na lang ng lahat sa akin.

Ayoko ng may kahati.

But now, it's different. I'm so happy nang nalaman kong magkakaroon ako ng kapatid, at baby girl pa. At hindi pa man siya nasisilang, mahal na mahal ko na siya.

After their duty, bumisita sina Jericho at Kristine.

"Dianne, o. Prutas para kay Mama," sabi ni Jericho bago ilapag ang mga prutas sa bedside table.

Nagulat ako nang batukan siya ni Kristine.

"Aray! Ba't mo ba ko binatukan?!"

"Makatawag ka naman kasi ng Mama sa Mama ni Dianne!"

"Eh, anong gusto mo? Ikaw tawagin kong Mama?!"

"Eww! Kadiri ka—"

"Just shut up and kiss," sabi ko. Away na lang kasi lagi nang away.

"YUUUUUUCK!" sabay na sabi pa nilang dalawa.

"Manahimik nga kayong dalawa. Baka magising pa si Mama, eh."

"Sorry na. Kumusta na ba si Tita?" tanong ni Dianne.

"She's doing fine. Unti-unti nang nagiging normal ang blood pressure niya pero kailangan pa ring i-monitor. Kapag daw magtuloy-tuloy ang pagtaas ng bp ni mama, baka ma-CS siya."

"Don't worry, Dianne. May pinagmanahan ka nang pagiging malakas mo, at sure akong si Tita 'yon. Kaya manalig ka, magiging okay si Tita."

Nginitian ko si Kristine. "Salamat."

Pinalo niya si Jericho na para bang kinikilig. "Omaygadd, Jericho! Nginitian ako ni Dianne!"

"O, ano naman? Ba't kinikilig ka?!"

"Ulol ka ba?!"

Napailing na lang ako.

Sinagot ko ang tumatawag sa cellphone ko at lumayo nang kaunti sa kanila dahil ang ingay pa rin nilang dalawa.

"Hello."

"Hello po, Ma'am Dianne?"

"Kuya Mong, bakit po?" Si Kuya Mong, family driver namin ni Harry.

"S-Si Hardy po kasi..."

Agad akong kinabahan. "Bakit?! Anong nangyari kay Hardy?!"

Tumigil sa pagbabangayan sina Kristine at Jericho at lumapit sa'kin.

"Nawawala po kasi siya, Ma'am."

"Ano?! Paanong nawawala?!"

"Eh, kasi po Ma'am, tinawagan ako ni Sir Harry at sinabing ako na lang ang maghatid kay Hardy dahil kailangan niyang mag-overtime sa trabaho niya. Tapos nang uwian po niya, sinabihan din ako ni Sir Harry na ako na rin ang sumundo sa kanya. Kaya lang pagkarating ko sa school nila, sabi no'ng guard may sumundo na raw sa kanya."

Broken Promises [EDITING] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora