CHAPTER 22: New Year, New Life

9.6K 164 20
                                    

HARRY’s

UMALIS kami dito sa bahay na magkakasama, umuwi kaming magkakahiwalay.

Early in the morning pa lang, umalis na kami ng Batangas. Hardy had even tantrums dahil ayaw pa nga niyang umalis. But when we explained that we’ll have our New Year in her granny’s and gramp’s house, na-excite na siyang umuwi. Dumeretso sila ni Dianne sa bahay nina Mama ni Dianne at ako naman ay dito sa bahay namin.

Agad kong pinagbigyan ang gusto ni Dianne na doon mag-New Year kay na Mama. In times like this na may mabigat siyang dinadala, siguradong parents niya ang gusto nyang makasama, sila ang masasandalan niya. Which is unfamiliar with me dahil lumaki akong walang mga magulang. They went to heaven bata pa lang ako kaya hindi ko alam ang pakiramdam nang lumapit sa magulang kapag namomroblema.

I went here to check our house and our housemaids. ‘Yung iba nagpaalam na uuwi sa kani-kanilang probinsya samantalang ‘yung iba ay ginusto na dito na lang since may natira naman daw sa budget na binigay ko sa kanila.

Inayos ko lang ang ilang mga dala naming mga gamit papunta sa Batangas at ‘yung iba ay nandun na sa bahay nila Mama. Pagkatapos ay umalis na rin ako papunta kay na Mama.

NAABUTAN kong nagpre-prepare sila ng pang-Media Noche at inaayos ang mga paputok, fountains and luses at si Mama ay busy sa pakikipaglaro sa apo niyang si Arianne.

Hindi gaanong kalakihan ang bahay nila Mama. Average lang, sapat lang para sa kanilang mag-asawa at dalawang kasambahay.  Pero mas nag-improve ito kesa noong nililigawan ko pa lang si Dianne. I tried to give them a new house pero tinanggihan nila ito. Kaya nang nagkatrabaho si Dianne ay pinalaki na lang niya ang bahay nila Mama. That’s one of the several things I loved about Dianne’s family: kahit hindi sila mayaman, they are in intact, masaya sila. Hindi ko kasi naranasan ‘yon kahit noon pa mang nabubuhay sina Mama at Papa. At saka, kaya lang naman ako yumaman ay dahil na rin sa sarili kong pagsisikap at dahil na rin mayaman ang nag-ampon sa’kin. Unfortunately, they passed away at lahat ng kayamanan nila ay naiwan sa’kin.

Sinalubong ako ni Hardy at tuwang-tuwa siya na nakita ako. He’s really pure and innocent. I wonder if ganito pa rin kaya ang pakikitungo niya sa’kin once he knew every dark secret I have. Ni wala siya kaalam-alam sa nangyari sa amin ni Dianne. Ang alam lang niya ay nag-away kami.

Nilapitan ko si Dianne at humalik sa pisngi niya, but just like the usual, neutral ang pakikitungo niya sa’kin, hindi galit, hindi rin naman masaya, she’s just going with the flow. Ayokong ganito kami lalo pa’t New Year na mamaya.

I just helped them na maghanda for New Year.

Pumunta ko sa kusina at nakita ko si Dianne na umiiyak. Naudlot ang kabang naramdaman ko nang na-realize kong naghihiwa lang pala siya ng sibuyas kaya siya umiiyak.

I walked towards her. “Ako na diyan, Honey,” sabi ko sa kanya.

She just looked at me, she didn’t smile nor frown. “Okay,” she said before she walked away, leaving me alone with the onion.

Pinagmasdan ko siya habang papalayo sa’kin and nakita ko si Papa from my peripheral vision. I can see he’s frustrated and disappointed. Napailing muna siya bago niya ilipat ang tingin niya sa’kin mula kay Dianne. Napatungo na lang ako sa sobrang kahihiyan.

Lumapit siya sa’kin and he patted my right shoulder dahilan para mapatingin ako sa kanya.

I looked straight into his eyes. “I’m sorry po.”

He heaved a big sigh at saka sumandal sa kitchen counter. Nakatalikod ako sa gawi niya.

“Harry,” panimula niya. “Prinsesa namin si Dianne, kaya sana ituring mo siyang reyna.”

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now