CHAPTER 36: That Unit

8.2K 135 61
                                    

SHORT UPDATE LANG SORRY. SHORT BUT AS USUAL, NAKAKAINIT NG ULO XD

___________________________

HARRY's

"HARRY, ano ba 'to? Anong meron?" natutuwang tanong ni Natalia habang nakatakip ang mga kamay ko sa mga mata niya.

"We're almost there," bulong ko sa kanya habang papasok kami sa loob ng building. Well, I have a surprise for her.

"Ang dami mong pakulo, Harry, ah."

"You'll love this for sure."

Hanggang sa pumasok kami sa elevator ay takip-takip ko pa rin ang mga mata niya. Mukhang nawi-wirdohan na nga ang kasabay naming babae but I don't care, she must mind her own business.

"Ano 'to? Bakit tayo nasa elevator? Where are we going ba talaga?"

"Almost there, my Beatrice."

Nang huminto na sa 23rd floor ay lumabas na kami ng elevator and naglakad kami papunta sa isang condo unit sa left side. Then binuksan ko ang pinto at pumasok kami sa loob.

"Where are we?" tanong niya.

I removed my hands from covering her eyes.

Nang naka-adjust na sa liwanag ang mga mata niya ay nilibot niya ang paningin niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Halo-halo, hindi maipaliwanag. Pero alam ko, sigurado ako, nagustuhan niya.

I hugged her from her back. "Do you like it?" bulong ko sa kanya pagkatapos ay hinagkan ko ang tainga niya.

"H-Harry, ano 'to?" Hinarap niya ako. "Para saan 'to? A-Anong m-meron? I can't—uhhm."

I smiled because she's stammering. "This is for you."

Obvious ang pagkagulat sa mukha niya. Muli niyang nilibot ang paningin niya. "You mean all of these? Itong condo unit na 'to, 'yong mga furnitures, sa'kin lahat 'to?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Ahuh. Only for you."

"P-Pero bakit? A-Anong meron? Hindi naman ako humihingi—"

"Ssshh. 'Wag ka nang magtaka pa. Kagaya nang sinabi ko, lahat nang nakikita mo ay sa'yo. This is my gift for you."

"Gift? A condo unit na fully-
furnished? Regalo mo sa'kin?"

"With groceries and supplies."

"P-Pero bakit?"

"Because you deserve to have this kind of environment. You deserve the best, my Beatrice."

"But you alone is the best I can have."

Muli akong napangiti at na-overwhelm sa sinabi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit na ginantihan naman niya nang mahigpit ding yakap. "I am still not enough. I can even give you the entire universe if I could just do so."

"You don't have to do this, Harry."

"I want to do this, Natalia. Tanggapin mo na, this is for you."

"Thank you, Harry. Thank you so much. Babawi ako. I promise."

"Babawi ka?"

She nodded.

"Kiss me, as if you've never kissed me before."

Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinitigan ako. "I will." She cupped my face and kissed me far different the way she kissed me before.

Our kiss lasted longer compared to our usual kiss...and we both know where this kiss will end.

We continued kissing habang naglalakad kami papunta sa bedroom. Nagulat pa siya nang makita niya ang bedroom, fully furnished din ito at malaki, plus the King size bed. Malaki ito para sa kanya. It should be. Dahil pagsasaluhan namin ang kamang iyon time after time.

Broken Promises [EDITING] Kde žijí příběhy. Začni objevovat