CHAPTER 32: Tao rin Ako

9.7K 179 82
                                    

HARRY’s

NAALIMPUNGATAN ako nang may maamoy ako. Ang bango, nakakagutom.

I opened my eyes and in an instant, I remembered where I am. Nandito ako sa bahay ni Natalia and currently, I’m sleeping on her bed tangled in the sheets. Tinignan ko siya sa tabi ko, wala siya. Then I felt being vulnerable which then I realized, I’m naked under the sheets.

Naalala ko noong nagising ako with the same situation morning after the stag party, sobra akong nataranta noon, natakot, kinakabahan, nalilito. But this time, ang gaan sa pakiramdam. Napangiti na lamang ako. Ang tagal ko nang hindi naramdaman ‘yong ganitong saya tuwing gigising ako sa umaga.

Bumangon ako at sinuot ang boxers ko. I smiled. Nakatupi ang mga damit ko sa may upuan katabi ng kama, really organized.

I followed the scent of the food, ang bango talaga. Then at the kitchen I saw her. She’s wearing oversized white t-shirt and it revealed her thighs. Her hair is on a messy bun which revealed naman the sexiness of her nape. Kaya pala ang bango, she’s cooking for breakfast.

Tahimik at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Nang nakalapit na ko ay mabilis ko siyang niyakap mula sa likod at hinagkan ang leeg niya which made her scream.

“Harry! Ginulat mo ko!” natatawa niyang sambit.

“Sorry,” I said while nibbling her neck. Ang bango rin niya. Kahit nag-amoy usok na siya ay ang bango pa rin. “What are you cooking?” I asked her nang hindi ko inaalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Hmmm... fried rice, hotdogs, and bacon.”

I smiled.

“Bakit?” tanong niya.

“Hindi ako kumakain ng bacon.”

Mabilis siyang humarap sa’kin, bakas ang pag-aalala sa mukha niya. “Sorry. Hindi ko alam, I’m sorry. Sige, I’ll cook na lang ulit, may iba pa namang stock diyan. Akala ko kasi bacon is your thing for breakfast since pagkain ng mayayaman—”

“It’s okay. Dahil luto mo ‘yan, kakainin ko.”

“But—”

“I said it’s okay.”

She smiled. What a sweet sweet smile para sa isang sweet na umaga. It’s been a long time since I felt this kind of relief in the morning; it’s been a long time since someone smiled so sweetly to me—the type of smile that is filled with too much love and care.

“Ay, teka! Sunog na!” At bumalik na siya sa pagluluto niya kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap. “Umupo ka na lang muna diyan, matatapos na ‘to.”

“Okay.” Umupo ako sa upuan at itinuod ko ang braso ko sa lamesa. I roamed my eyes, maliit lang talaga ang bahay niya. Dikit-dikit ang kusina, ang CR, at ang kwarto. Etong buong bahay niya ay parang receiving area lang namin sa bahay.

“Natalia,” I called her.

“Yes?”

“Where’s my cellphone?”

“Uhm...Nasa kwarto, sa bedside table, katabi ng mga damit mo doon.”

I decided na kunin ‘to pero nag-doubt ako. For sure as hell naman puro text lang ni Dianne ‘yon, and I’m sure na puro hate messages lang ‘yon. Baka masira lang ang umaga ko kung basahin mo pa.

“Done!” pahayag ni Natalia at saka siya luminon sa’kin. She’s really beautiful. The truth is, mas maganda siya ‘pag walang make-up. She prepared our food as well as the table set-up bago siya umupo.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now