CHAPTER 28: Prince Charming No More

9.6K 148 25
                                    

DIANNE’s

PINAGMASDAN ko ang sarili ko sa full-length mirror namin. I’m wearing a silk black long gown na may glittery designs na color silver. Tapos nakalugay lang ang buhok ko at nakakulot ang dulo and I’m also wearing a mini tiara. Hindi gaanong kataas ang heels na suot ko dahil baka matangkaran ko na si Harry. Ako na rin ang nag-make up sa sarili ko na itinerno ko sa suot ko.

Tonight is a special night. Valentine’s Party ng hospital namin. This is an annual tradition, ang hindi lang makakasama ay ang mga clerks, interns, nurse and NA on duty, at mga resident on duty.

Actually, wala kaming planong pumunta ni Harry kasi hindi pa rin kami okay. Naka-ilang sorry na ko sa kanya but he’s still avoiding me, and he’s still not talking to me. Hindi ko naman siya masisisi, kasalanan ko naman talaga so I guess I deserve this.

Pero hindi ko na palalampasin ang oras na ‘to. Kailangan na naming magkaayos at kailangan naming maka-attend ng party. So I planned a surprise for him.

Nagpatulong ako kay na Yaya sa pag-set-up ng living room namin. There are ballons everywhere na heart ang shape. Meron ding mga nakakalat na petals of red roses papunta dito sa kwarto namin. And of course may design din ang kwarto namin. Hardy nga is really excited, tuwang-tuwa siya sa ginawa ko.

Umupo lang ako sa kama na puno rin ng petals ng red roses at naghintay.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Hardy kasabay nang pagkatok. “Mommy! Daddy’s here!”

Bigla akong na-excite. Tumayo na agad ako na siyang saktong pagbukas ng pinto. Napangiti ako nang mapansin kong nakangiti rin si Harry. Para bang ang saya-saya niya at halos ‘di makapaniwala sa nasaksihan.

“This is all your plan?” nakangiting tanong niya sa’kin.

Tumango lang ako.

“These are beautiful.”

“Nag-effort po talaga si Mommy para dito, Daddy! Ganyan ka po ka-love ni Mommy,” masayang pahayag ni Hardy.

He’s right. Ganito ko kamahal si Harry. To the point that I’m willing to swallow and digest my pride just for him.

Lumapit si Harry sa’kin. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Sobrang nakaka-proud, ang sarap ipagsigawan sa mundo na nagustuhan niya ang surprise ko sa kanya.

“Thank you, Love,” sabi niya. Akmang hahalikan niya ako pero agad ko siyang pinigilan.

“Ikaw talaga Honey, Hardy’s here, o.”

Napalingon kaming parehas kay Hardy na kasalukuyang natatawa at the same time natutuwa. “Sige po, labas po muna ko,” humahagikgik na sabi ni Hardy.

Nang nakalabas na siya ay muli kaming nagkatinginan ni Harry at saka nagkatawanan. Magkatabi kaming natutulog, sabay kaming kumakain kasama ang mga anak namin, magkasama kami sa isang bubong, pero miss na miss ko na siya. Oo, magkasama kami, nag-uusap, pero sobrang pormal.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “I’m sorry ha? Sorry for being rude. Sorry kung nasaktan kita nang napagsalitaan kita nang masama.  Sorry if hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ko. Sorry for being selfish—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil tuluyan na niya kong hinalikan at kusang bumaba ang kamay ko sa dibdib niya.

God knows how much I want to own his soft, warm lips. God knows how much I am longing for his kiss. Pero kumalas ako sa kanya. “Uhh... sorry... I just... uhm.”

“Ayaw mo ba?” tanong niya.

“Hindi naman sa gano'n. Kaya lang ano... ahm...”

He chuckled. “Alam ko na. Mabubura ‘yang lipstick mo?”

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now