CHAPTER 33: Beatrice Your Face

9.6K 155 61
                                    


HARRY’s

DALAWANG gabi nang hindi umuuwi si Dianne at si Hardy. Doon sila tumuloy sa bahay nina Mama. Hindi ko alam kung sinumbong niya ako kay Mama, dahil kung sinumbong niya ko, malamang sumugod na agad dito ang Papa niya.

Two nights without them is not really healthy. But then again, whenever I’m with Natalia, nawawala lahat nang pangungulila ko sa mag-ina ko. Para bang isa siyang battery na kayang-kayang refill-an ang energy at stamina ko.

Whenever I’m thinking about Dianne, puro na lang sakit ang nararamdaman ko, palagi na lang akong namomroblema, palagi ko na lang iniisip what will happen next. But whenever I’m thinking about Natalia, I felt so comfortable and at ease. I’m not thinking about the future because I am always enjoying my present when I’m with her.

Mababaliw na ko kakaisip sa kanilang dalawa. So I decided to call Sammy, ang womanizer sa’ming magkakabarkada noong College.

“Hello?” sagot niya sa kabilang linya.

“Sammy, busy ka ba? Pwede ba kitang makausap?”

“Hindi naman. Sige, saan? Ngayon na ba?”

“Mamaya, bago ko pumunta sa clinic. Kita tayo sa Yellowcab malapit sa ospital. Okay lang ba?”

“O, sige. Give me an hour, kakagising ko pa lang kasi.”

“Sige, salamat.” I hanged up my phone. Himala. Dati-rati ‘pag ginagambala ang pagtulog no'n lalo na sa umaga halos mag-transform na siya sa pagiging dinosaur. He’s always in a bar every night, he’s an owl, sa umaga tulog, sa gabi gising na gising at panay ang pambababae. That’s why I’ll try to talk to him para maliwanagan ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

HIMALA talaga. I did not wait longer than usual. Dati-rati palaging late ‘tong si Sammy sa mga tagpuan at minsan nga parang laging wala sa sarili, may hang-over pa kung makipagkita sa’min. But this time it’s different. Sa ayos at tindig pa lang niya mapaghahalataan mo ng doctor at mataas ang pinag-aralan.

“What’s wrong with you?” tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tapat ko.

“Anong what’s wrong with me? Ikaw ‘tong tumawag sa’kin tapos ako ang tatanungin mo ng ‘What’s wrong with you?’ Kaltukan kaya kita diyan?” sambit niya. The way he talks seems to be angry, but the calmness of his face is still obvious.

“You look so happy and calm. Anong nangyari sa’yo?”

“Hmmm... Something big happened. I already found the one.”

“What the fuck?”

He laughed. Ang saya niya talagang tignan. “Tanda mo ba si Geraldine?”

“Your first love?”

“Ahuh! She’s back! And I’m going to win her heart over again! Teka, bakit ba ako ang nagkekwento? Akala ko ba ikaw ‘tong may sasabihin?”

On the other note, I’m happy for him. "Ano kasi...”

“Ano? Ang hina naman nito! Parang tuod! Sabihin mo na, ano ba ‘yon?”

“I have a mistress.”

“Sus. Mistress lang pala—Anak ng puta ka, Harry?! May kabit kang gago ka?!” Dahil sa lakas ng sigaw niya ay nagtinginan sa’min ‘yong mga ibang kumakain.

“Anak ng tinola ka naman, Sammy! Ang ingay mo! Baka may kakilala ko dito marinig ka,” giit ko sa kanya.

“E, ikaw naman kasi Pare, anong mistress sinasabi mo? How ‘bout Dianne? C’mon dude! Mahal na mahal mo si Dianne, ah?”

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now