CHAPTER 04: Pokpok Dance Craze

12.6K 304 19
                                    

HARRY's

"UUUGGGHH!"

Idinilat ko ang mga mata ko nang narinig kong umuungol si Dianne sa tabi ko. Ano 'yun?

Nilingon ko siya at nakita kong nakahawak siya sa tiyan niya. Agad akong napaupo at hinawakan ang kamay niya. "Honey, bakit?! Manganganak ka na ba?!"

Instead na sagutin niya ko ay sinamaan niya ko ng tingin. "Anong manganganak sinasabi mo diyan eh four months pa lang 'to!"

Napahawak ako sa batok ko. "Hehe. Sorry, nataranta kasi ako. Bakit ka ba umuungol? Are you in pain? Huh?"

"Ang sakit ng tiyan ko, Honey."

"Stay on bed, okay? I'll fix our things para makapagbihis ka na at makauwi na tayo. Pupunta agad tayo sa ospital."

"Okay."

Duty dapat ako ngayon, as in 36-hour duty, pero nagpaalam na lang muna ko at sinabing mag-slide na lang ako ng schedule bukas.


PAGKARATING namin sa tapat ng clinic ng OB ni Dianne ay nagmamaktol na naman siya.

"Bakit kasi kailangan pa nating pumila at maghintay sa turn natin eh nagpa-appointment ka naman sa kanya bago pumunta dito?" reklamo niya habang iritableng isinasabit niya sa tainga niya ang ilang mga strands ng buhok niya. Ganda.

"Naiinitan ka ba? Aircon naman dito sa hallway, ah?" I wiped her sweats that are forming on her forehead.

She looked at me. "Sagutin mo kaya tanong ko!"

Sabi ko nga, eh. "Of course, Honey, bukod sa'tin, may mas naunang magpa-sched so we still need to wait."

"Kahit pa! Doctor ka naman dito sa ospital na 'to, ah? Eh, bakit hindi ka umastang VIP? You can have everything!"

I caressed her cheek. "Honey, it's better if magpaka-low profile tayo." Then I smiled at her and placed my palm on her exposed thigh.

Tinitigan niya lang ako na para bang may gusto siyang sabihin.

"What?" tanong ko.

"Ang humble mo. I love you!"

Napaubo ako sa sinabi niya!

"O? Bakit ka naubo?"

"What did you just say?"

"Walang ulitan! Period, locked, sealed, kain susi!"

I smiled at her and pinched the bridge of her nose.

"Ano ba?! 'Pag ako nagkapasa!"

Sa lakas ng sigaw niya ay napatingin ang mga ibang pasyente na naghihintay din dito sa labas.

"O? Ba't kayo nakatingin?" pagmamaldita ni Dianne sa kanila.

Napailing ako at napangiti, ganun din ang mga pasyente.

"It's our turn, Honey." I held her hand and we walked inside the clinic.

"Kainis na mga 'yun! Pinagtitinginan ako, Honey!" pagsusumbong niya sa'kin.

"Never mind them. Nakukyutan lang sila sa'yo."

"What?! I'm not cute! I'm beautiful 'di ba, Honey?"

I nodded continuously with my lips and eyes smiling at her.

"Ikaw ang cute, eh!" She pinched my cheeks before entering the room of Doktora Decena.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now