CHAPTER 07: Best of Friends

11.1K 210 11
                                    

DIANNE's

"BESTFRIEEEEEEND!"

Napabangon ako at hindi sadyang nasigawan ang kung sino man ang nanggigising! "Ano ba 'yon?! Nakita mong natutulog ang Dyosa, eh!"

Sandaling natahimik ang nanggigising sa'kin. Kinusot ko ang mata ko at tinignan kung sino ba ang hinayupak na nanggising sa'kin. Bumungad sa'kin ang mukha ng bestfriend ko. 

"Best, sorry! Naalimpungatan lang ako!" Niyakap ko siya nang mahigpit. "Good morning, Best Chloe!" bati ko.

Humiwalay siya sa yakap. "Good morning ka diyan? Papapuntahin mo ko dito kagabi tapos sisigawan mo lang ako."

"Sorry naaaaaa. Kiss na lang kita." Ngumuso ako at akmang iki-kiss siya sa pisngi pero nagtitili siya at pinagbabato ako ng unan hanggang sa nagtawanan kami at nagkulitan.

Humiga kaming dalawa nang napagod na kami. I so love my best friend, kaya kong sumalo ng bala para sa kanya. I am willing to sacrifice every inch of my life para sa kanya.

"Best, wait lang. Maghihilamos and toothbrush lang ako," pamamaalam ko sa kanya.

"Okay."

Pagkatapos ko ay nagpaalam ako kay Chloe na pupuntahan ko lang sandali si Hardy pero sabi ni Chloe, nag-jogging daw 'yung mag-ama. Eh, 'di sila na ang hindi buntis!

Umupo na ako sa kama.

"Bakit mo nga pala ko pinapapunta dito, Best?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Instead I bowed my head in return, I don't know din kasi how to start confiding my hatred.

"Huy." Sinundot niya ang pisngi ko. Ito talagang babaeng 'to kahit kailan, napakakulit, napakabibo. "Oy." Sunod naman niyang sinundot ang braso ko. "Haha. Ang taba!"

And then I started tearing up. I've never been this emotional over simple things. Should I blame my hormones now? Tama si Chloe, ang taba-taba ko na nga talaga! 

"Huy! Ba't ka umiiyak? Sumisipa ba si baby?" Hinawakan pa niya ang tiyan ko. "Hoy! 'Wag mong sipain ang Mommy mo!"

"Chloe naman, eh. Hindi 'yon."

"Eh, ano?"

"Ikaw ba? Hindi ka ba nai-insecure sa mga babaeng nakapalibot kay Rod?" I stopped immeidately when I realized kung anong katangahan ang tinatanong ko sa kanya.

She sighed. "Syempre natatakot. Sa gwapo ba naman ni Rod. Eh, ako? Hindi naman ako sobrang ganda kung ikukumpara sa mga babaeng nakakasama niya lalo na sa trabaho niya. Kaya syempre natatakot ako.  Pero kapag naalala ko lahat nang pinagdaanan namin, nawawala sa isipan ko ang takot at umuusbong ang tiwala. Bakit mo pala natanong?"

"May pasyente kasi si Harry."

"Malamang, best, doctor siya. May pasyente talaga siya."

Tinignan ko siya nang masama.

"Bakit?" inosenteng tanong niya.

Bakit ba ko nagkaroon ng ganitong best friend? Binalewala ko na lang ang tanong niya at nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "May isa siyang pasyente, she's not just an ordinary girl, ang ganda niya, best! Sobra! Para siyang model. And every two weeks ata bumabalik siya for her regular check-up. Hindi ko maiwasang hindi magselos kasi kapag chineck-up siya ni Harry para siya laging sarap na sarap. Then that girl told me to be professional daw. Kaya lang when I apologize to her, ang sabi ba naman 'wag na raw akong mag-sorry dahil nag-enjoy daw siya! Ang kapal ng mukha 'di ba?!"

"Oo nga."

Hindi ko man lang nakitaan ng pagkainis o galit ang mukha niya. My ever so kind best friend. "Tapos dahil sa sinabi niyang 'yun, hindi ko na napigilan ang sarili kong saktan siya! Kaya lang naabutan ako nina Harry and Hardy. Sayang, hindi tuloy natuloy iyong pananampal ko sa kanya. Anong gagawin ko, Best?"

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now