CHAPTER 18: Co-Incidence? O Sinasadya?

10K 160 26
                                    

HARRY’s

MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Diannne nang bumaba kami ng family car. Si Arianne naman ay buhat ng yaya niya at si Hardy ay hawak din ng yaya niya at ang mga gamit namin ay buhat ng driver namin. Maya-maya pa ay sinalubong na kami ng receptionist at inilagay sa pushcart ang gamit namin.

This is Sebastian’s resort. Si Sebastian ang step brother ni Chloe na bestfriend ni Dianne na asawa ng bestfriend kong si Rod. Dito namin naisipan because aside from being convenient, kaibigan namin ang may-ari kaya may VIP treatment kami.

Speaking of, dumating na si Sebastian kasama ang asawa niyang si Anjela, ang highschool rival ng kapatid ni Rod. Whenever they are together, parang palaging may storm surge na magaganap. Isang suplado at isang maldita. Anjela’s really maldita, she’s like an antagonist in a movie. Kaya kapag nagsasalubong sila ni Dianne, wala silang ginawa kundi magtarayan while deep inside, they care for each other din naman. Girls. Really complicated.

“Welcome to our resort. I hope magustuhan niyo dito,” saad ni Sebastian.

“Where’s Angelo po? Is he here?” tanong ni Hardy. Si Angelo ay anak ng mag-asawa.

“He’s not here. Bawal kasi ang batang malikot dito sa resort. So I wish hindi ka pasaway,” sagot ni Anjela. Like Dianne, she also hates kids.

“Hardy’s not pasaway. Unlike your son,” sagot naman ni Dianne.

Here goes the World War III. I think Sebastian felt the tension between the two so he led us already on our way.

Dalawang kwarto ang inokupahan namin. Isa para sa mga yaya ng mga bata at isa para sa’ming pamilya. Ang driver naman ay bumalik na ng Manila. We did not occupy the room from a hotel, ang napagdesisyonan namin ay resthouse lang. No need for aircons dahil sapat na ang buga ng electric fan at ng lamig na dulot ng hangin mula sa labas. Hindi pa soundproof kaya rinig na rinig ang hampas ng alon ng dagat which is really relaxing. But still, we made sure na maganda ang resthouse.

The truth is, gusto kong ma-experience ni Hardy ang ganitong klase ng buhay, ‘yong simple lang at payak. I used to live in life like this before getting rich, and of course si Dianne, ganitong buhay lang ang nakasanayan niya. And I’m glad na nagustuhan naman ito Ni Hardy. Napakabait talagang bata.

“I want to swim and stroll na, Daddy,” excited na sabi ni Hardy, tumatalon-talon pa nga siya.

“Ayusin lang natin ‘tong gamit natin and right after nating makapagbihis papasyal na tayo.” At nagtatalon pa siya lalo sa tuwa kaya natawa na lang kami ni Dianne.

RIGHT after naming makapagpalit ng damit ay nag-ikot-ikot na kami sa buong resort. Damang-dama pa nga ang essence ng Christmas. Kahit saang restaurant pumunta puro Christms decors, may pagala-gala pa ngang Santa Clause kaya tuwang-tuwa si Hardy at si Ariannne naman ay naiiyak sa takot.

Paminsan-minsan nga ay pinagmamasdan ko na lang sila at napapangiti na lang ako. Sa nagawa kong pagkakasala kay Dianne, hindi lang ako sa kanya nagamali, nagkamali rin ako sa mga anak ko, sa pamilya ko. Kaya babawi ako sa kanila. Simula pa lang’to, at wala akong balak tapusin ‘to.

“Hey, nakikinig ka ba?”

Sunod-sunod akong napakurap nang kausapin ako ni Dianne. “Wh-What again? Sorry, nabighani ako sa ganda mo, eh. Hindi ako makapag-isip ng tama.”

“Bolero! Sabi ko, mag-swim na tayo.”

“Sure! Sure! Tawagin ko lang sina Yaya para may magbantay ng mga gamit natin sa shore.”

“Alright.”

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin sina Yaya. Inilapag namin ang mga personal things namin sa shore at binantayan nila ‘yon. Kasama namin si Arianne sa palalangoy. Instead na matakot siya ay natutuwa pa siya.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now