CHAPTER 13: Demanding for an Explanation

10.6K 194 13
                                    


DIANNE's

NAALIMPUNGATAN ako nang may marinig akong kumalampag na sinundan ng malakas na iyak. As an initial reaction, I opened my eyes and I got panicked. Alam ko ang iyak na iyon...iyak iyon ni Hardy. Why my baby's crying?

Inilibot ko ang mga mata ko, I'm sure! Nasa hospital room ako, pero nakakapagtaka, bagong panganak ako pero wala akong kasama sa loob.

And then I heard Hardy's voice screaming. "Lolo, 'wag mo pong saktan si Daddyyyyy!"

Lalo akong nag-panic. Nandito si Harry? Sinasaktan siya ni Daddy? Ha! Serves him right! Kulang pa sa kanya ang bawat sapak at suntok ni Daddy. Dapat sa kanya maghilod dahil sa sobrang kapal ng mukha niyang pumunta pa dito!

Kagabi, hindi lang pisikal na sakit ang nararamdaman ko dahil sa panganganak, I was hurting emotionally, too. Dahil siya ang inaasahan ko ng panahon na 'yon. Siya 'yong inaasahan kong dadamay sa'kin, siya 'yong inakala kong magpapabawas ng sakit. pero anong ginawa niya? Dinagdagan niya lang.

Ni hindi ko alam kung saan siya nanggaling kagabi. Kapag gagabihin siya ng uwi, tine-text niya ko, nagpapaalam siya. Pero kagabi hindi. Hindi man lang siya nagsabi kung ano na bang nangyayari sa kanya, kung bakit hindi siya umuwi.

Kahit pa pagod ako, kahit pa nahihirapan ako at napakasakit ng katawan ko, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad papunta sa pinto. I want to hear his side, his explanation. But I guess, no matter how sorry he will be, it will never be enough.

Napakinggan ko nang mas maigi ang commotion sa labas dahil nasa pinto na ko. Narinig ko ang boses ni Chloe, ni Rod, si Mama at Papa, si Hardy...si Harry.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito! Pinabayaan mo ang anak ko!" Hindi ko man nakikita si Papa, damang-dama ko ang galit sa pananalita niya.

So I decided to go outside. And I was right, they are all here. Pero nang nagtama ang paningin namin ni Harry ay mabilis na tumulo ang luha mula sa mata ko.

"Anak, anong ginagawa mo dito sa labas? Bumalik ka na sa loob...magpahinga ka muna," marahang utos sa akin ni Mama.

Pero hindi ko siya pinakinggan. Instead, naglakad ako papalapit kay Harry. I examined his face... his eyes screaming of guilt, his apologetic smile...

Kagabi, hirap na hirap ako. Tanging si Hardy lang ang kasama ko sa kwarto ko, anong alam ng isang bata? I pretended to be calm in front of him dahil ayaw kong matakot siya when deep inside, natatakot ako. Nang maramdaman ko kasing manganganak na ko, naalala ko ang mga nangyari noong pinagbubuntis ko si Hardy.

I wasn't prepared to be a mother back then. Ni hindi rin ako handang manganak. Habang nagle-labor ako, naisip ko lahat ng katangahan ko... kung bakit ako maagang lumandi. Ang dami kong sinayang noon... lahat ng takot nanumbalik. Pero wala doon 'yong taong magpapaalis ng pangamba ko.

"Dianne-" Hindi natuloy ang pagsasalita at paglapit ni Harry sa'kin.

I slapped him hard on his face as tears kept streaming down my face. "You promised. You promised that you'll take care of me. Thank you...thank you because you're not there when I needed you the most." Then I turned my back on him.

Tinulungan ako ni Mama at ni Chloe na pumasok ulit sa loob, binuhat na ni Chloe si Hardy. Nang makahiga na ko ay umupo si Hardy sa upuan sa tabi ko at niyakap ako.

"Mommy, don't cry na." At pinahid niya ang pisngi ko. "'Wag ka na rin po magalit kay Daddy."

"Hardy," lumapit si Mama kay Hardy, "sama ka muna kay Tita Chloe, kain muna kayong breakfast. Hindi ka pa kumakain simula kagabi."

"I want here, Lola."

"Later, I promise...dito ka lang sa tabi ni Mommy."

"Promise?"

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now