CHAPTER 12: Stag Party's Dark Secret

11.2K 178 12
                                    

SPG


HARRY's

LAKING gulat ko nang pinuntahan kami ng mga ka-day naming senior dito sa OPD. Pre-duty lang kami meaning hanggang 5PM lang ang duty namin and we don't have to stay here in the hospital overnight.

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked with full of confusions.

"Bro!" sigaw ni Francis, ka-batch ko siya, ang pinakapasaway sa amin noong Med scho kaya walang ranking noong grumaduate. He's really intelligent especially sa Math, tamad nga lang. Pero hindi naman basehan ang grades dahil naging doctor pa rin naman siya.

"Ano?" tanong ko ulit.

"May stag party tayooooooooo!" sagot ni Francis at lahat sila ay dinumog ako at sabay-sabay na naghihihiyaw at nagtatatalon!

"Teka, sinong ikakasal?"

"Si Doc Julio!" sabay-sabay nilang sagot maliban kay Doc Julio na kasalukuyang nakahawak ang kamay sa kanyang batok na para bang nahihiya. Isa siya sa mga pinaka-senior ko na akala ko'y tatanda ng binata. Graduate na siya sa residency training next year.

"Teka, paano kaya nangyari 'yon? Itong pinakadakilang torpe sa'tin ikakasal na?" sabat ng isa pa naming senior na kasalukuyang nasa OPD din.

"Eh, wala doc, eh! Tinigisan! Ayun! Napa-propose ng biglaan last week!" natatawang paliwanag ni Doc Sammy kaya natawa na rin kami. Si Doc Sammy naman ay mas senior sa akin ng isang taon. Magna Cum Laude rin kagaya ko, pero he's the opposite of Julio, womanizer kasi itong si Sammy, walang planong mag-settle down sa buhay.

"Hoy! Anong tinigasan?! Kutusan kita diyan, eh! Mahal ko 'yon!"

"Iba talaga magmahal ang torpeeee!" at nagkumpulan na naman sila para asarin si Doc Julio, 'di nagtagal ay inaya na naman nila ko sa stag party.

"Hindi po pwede, magagalit kumander ko," paliwanag ko. At ako naman si Harry, ang pinakagwapo sa'min. Syempre love yourself dapat!

"Ang KJ naman, bro!" banat ni Francis.

"Under pala 'to mga doc, eh! Parang si Rod!" hirit pa ni Gabriel, ang pinakabasagulero at immature na ka-batch ko rin. Ang layo ng ugali sa pangalan. Gusto laging nakikipag-away, pero nagbago 'yan simula nang nagmahal siya, love really has its own way and own effects.

"Hindi kami under ni Rod! Understanding lang kami!" paliwanag ko naman.

"Corny mo, boy! Just join us, dude!"

Pinipilit pa rin nila kong isama maliban kay Doc Alex, ang pinakamisteryoso sa aming pito. Bihirang-bihira kung magsalita at kung magsalita man, napakamatalinhaga bawat salitang bitawan.

"Hindi na nga sumama si Rod, pati ba naman ikaw hindi pa rin sasama? Pambihira naman kayong dalawa!" pahayag ni Francis.

"Eh, magagalit nga kasi sa'kin si Dianne. Alam niyo naman kung gaano ka-moody 'yon. Saka kabuwanan niya ngayon."

"Tatawag naman sa'yo si Dianne kung i-ire na siya!" sagot ni Gabriel kaya nagkatawanan sila.

Sabay na lang kaming napailing ni Alex sa kapilyuhan ng mga 'to.

"Oo na, oo na! Sasama na—" Hindi pa ko tapos sa pagsasalita ay naghiyawan agad sila. "The hell?! I'm not yet finished!"

All eyes on me.

"Sasama ko pero hindi ako sasakay sa mga trip niyo na alam kong makakasira sa'min ni Dianne. At 'wag din kayong magsusumbong sa kanya."

"Fine, dude!"

Broken Promises [EDITING] Kde žijí příběhy. Začni objevovat