CHAPTER 31: Third Round

11.1K 139 137
                                    

SA MGA NAIINIP SA TAKBO NG STORY, SORRY NA. PARA SA MGA FIRST TIME READERS KO, MAHABA PO TALAGA KO GUMAWA NG STORY, INAABOT NGA MINSAN NG 70+ PARTS. PERO I ASSURE YOU ALL NAMAN NA SULIT DAHIL GAMIT NA GAMIT BAWAT CHAPTERS. I WON'T LET A CHAPTER PASS DOWN WITHOUT HAVING SUBSTANCE.

SAKA KAPIT LANG, MADAMI PANG MANGYAYARI. KUNG AKALA NIYO AY TUNGKOL LANG ITO SA PAGTATAKSIL NI HARRY THEN YOU ARE TOTALLY WRONG.

I LOVE PLOT TWISTS, I LOVE CONFLICTS, KUNG KINAKAILANGANG MAGULO ANG BUHAY NIYO I DEFINITELY WOULD LOVE TO DO SO HAHA.

SO YEAH, KAPIT LANG :)

____________________________

HARRY’s

I AM all smile nang pumunta ko sa lab. Sakto dahil kalalabas lang niya and she’s already wearing casual attire. Lumapit ako sa kanya. “Hi,” nakangiti kong bati sa kanya.

“Hi,” she said then nauna nang naglakad tapos ay sumunod na lang ako. “What brings you here? Anong meron at sinunsundo mo ako?” she asked while fixing her bag.

“’Di ba sabi ko susunduin kita dito no’ng tumawag ako sa’yo?”

She looked at me, confusion registered in her face. “Oo nga no? Sinabihan mo nga pala ko kanina. Sorry, I forgot.”

She forgot? Wala pang 20 minutes nang huli akong tumawag sa kanya then she forgot agad? Anyway, binalewala ko na lang. We just continued walking hanggang makarating kami sa parking area pero hiwalay kami nang pinupuntahan so I called her out.

“Bakit?” tanong niya nang lingunin niya ko.

“Sa’kin ka na sumabay. Ipasundo na lang natin sa driver ‘yang kotse mo.”

Nag-isip muna siya saglit bago sumang-ayon. Naglakad siya pabalik sa’kin at agad ko siyang pinagbuksan ng pinto ng kotse at pumasok na siya sa loob. Ako naman ay umikot sa kabila at pumasok na rin.

“May sakit ka ba?” tanong niya.

“Huh? Wala naman. Bakit?”

“You’e different,” sagot niya habang inaayos niya ang seatbelt niya. “What’s with all the sweetness?” Tumingin siya sa’kin at ngumiti nang mapait. “Nauntog ka na ba kaya natauhan ka na?”

I gulped. “Ano bang sinasabi mo? I’m not different. This is the Harry you knew for many years. ‘Yong sweet na Harry, ‘yong Harry na hindi ka titigilan, ‘yong Harry na walang ibang ginawa kundi kulitin ka, ‘yong Harry na patay na patay sa’yo.”

She looked at the other direction to hide her face. But it’s too late because I already saw her blushing.

“Hands on the steering wheel, eyes on the road, mag-drive ka na,” sabi niya nang hindi pa rin ako nililingon.

I chuckled. “Sorry. I just can’t keep my eyes off of you.” I looked at her profile for the last time, and she smiled a little bit.  If I have to court her everyday so that I can see her smile gets wider then I will.

HINDI naging matagal ang paghihintay namin kay Hardy dahil wala pang ilang minuto ay naglabasan na ang mga estyudyante. Karamihan ay sumakay sa school bus, ‘yong iba naman ay sinusundo ng mga yaya nila, ‘yong iba naghihintay, ‘yong iba naglalaro, and si Hardy ay kabilang sa mga sinusundo ng magulang.

Halatang walang gana siya habang papalapit sa’min. He had his head bowed down, bagsak din ang balikat niya na para bang nalugi, but he never forgot to greet and kiss us.

Tumungo ng konti si Dianne so she can approach Hardy properly. “Anong problema ng baby boy ko? Bakit ang lungkot-lungkot mo?”

Hindi siya nagsalita. Instead, he get something from his backpack, it’s a piece of paper, then inabot niya kay Dianne ito. Based from Dianne’s expression, it seems that she’s shocked at the same time she pitied Hardy.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now