CHAPTER 34: It's Not Love

9.2K 142 48
                                    

HARRY’s

HINDI na nagsalita pa si Dianne right after telling her na wala akong mistress, she just hugged me instead. Part of me ay nakokonsensya, but most part of me is feeling relieved dahil sa tingin ko ay naniwala siya sa’kin. Hinaplos ko ang buhok niya and I’m also kissing her temple at times.

Then after a while, nagsalita na siya, “Sorry sa paghihinala ko sa’yo, Harry. Naprapraning na kasi ako. There are so many questions running in my mind kaya siguro I’m making conclusions na lang.”

I heaved a sigh. “Ano bang gusto mong malaman? Ano bang mga tanong mo? I can answer all of your questions para hindi ka na maghinala pa, para hindi ka na matakot pa, para mapatunayan ko sa’yong hindi kita niloloko.” Inilayo ko siya nang konti sa akin dahil baka marinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba at nerbyos. I tried to calm myself as possible I could para hindi siya makahalata.

“Ano ba talagang nangyari sa stag party?”

First question pa lang but it really hits me hard. Nakipag-eye contact ako sa kanya para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako. “Okay, I admit, there are girls of course. But baby, wala akong pakialam sa kanila. It’s always you that I’m thinking. I only drunk once and tinamaan agad ako dahil masyadong matapang ‘yong nainom ko, kaya doon na ako nakatulog at hindi na ko nakauwi. Belive me, wala akong ginawang masama sa stag party.”

If I die right now, I’m sure I’ll be going to hell for having all these lies.

“Pero simula ng gabing ‘yon, you're acting different already, Harry. Para kang may tinatago. Ano bang problema? Bakit biglang naging gano'n?"

“Because I don’t know what to do. Hindi ko alam kung paano ba ko makakabawi sa’yo. Nalilito ako, napre-pressure ako. I felt like a part of my manliness lost right after you give birth to Arianne without my presence.”

“I’m sorry. Hindi ko alam na gano'n ang naramdaman mo. Hindi ko alam na na-pressure pala kita. Hindi mo naman kailangang bumawi, eh.”

Jesus. “Sssh. Stop saying sorry please?” Dahil hindi kinakaya ng konsensya ko na mag-sorry siya sa taong higit na may mas malaking kasalanan kesa sa kanya. “Still have questions running on your mind?”

“You—You...asked me twice to do stuff. Bakit? I mean, aren’t you satisified with me anymore? Do you want something more than I can offer? Am I too boring for you?”

“Hey, hey, don’t you ever say that again, huh?” Inaamin ko namang hinahanap-hanap ko ang kagaya ng kay Natalia, but please, I won’t let Dianne get low of herself just to satisfy me. “Don’t blame yourself. Wala sa’yo ang problema. There are just times that I can’t control myself but I promise: I won’t force you on things you’re not comfortable to deal with. Halika rito.”

Muli ko siyang niyakap. Hindi ko kayang gawin sa kanya ang mga ginagawa ko kay Natalia. Masyado ko siyang mahal para gawin sa kanya ang mga bagay na ‘yon.

“If you want me to, I can do all your fantasies just to make you happy—”

“Ssssh. Stop saying non-sense.” Tuluyan ko na siyang niyakap nang mahigpit dahil mukhang wala na naman siyang itatanong, mukhang okay na naman siya.

Pero ilang saglit pa ang lumipas ay may tinanong ulit siya. “How about the strawberry and vanilla? That perfume? Ilang beses ko nang naamoy ‘yon while we’re together. Even when we’re dancing at the Valentine’s Party, naamoy ko ‘yon. Kanino ba talaga ‘yon?”

Shit.

I didn’t saw this coming.

I swallowed but I still recovered my calmness. Muli ko siyang inalayo sa’kin dahil muling bumilis ang kabog ng puso ko. I sighed. “Honey, hindi ko rin alam. Pinaliwanag ko na ‘to sa’yo noon pero uulitin ko ngayon, hindi ko talaga alam. Ano ba namang alam ko sa mga pabangong ‘yan especially na pambabae ‘yong amoy? Iyong sa Valentine’s Party? Siguro dahil sa mga nakabeso-beso kong mga babaeng doctor, o nurse. Baby, believe me, I don’t have any idea about that perfume, about that scent. It’s your scent that I’m only familiar with.”

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon