CHAPTER 06: Insecurities At Its Finest

10.8K 197 16
                                    

DIANNE's

HONEY!" Ngumiti sa akin si Harry at akmang lalapit pero humakbang na agad ako paatras.

Palagi namang ganito si Harry kapag naaabutan ko ang pusanggalang babaeng 'yun dito. Palaging lalapit sa'kin, yayakapin ako, at minsan pa nga ay hahalikan na para bang ipinapamukha niya sa pusanggala na 'yun na hanggang pasyente lang siya, at walang laban ang kalandian niya sa pagmamahal sa'kin ni Harry.

Pero hanggang kailan magiging ganito?

Napawi ang ngiti sa labi ni Harry nang umatras ako. And then I realized kung ano bang ginawa ko. Harry is a doctor, I should act professional.

"'Wag ka sanang magdilang anghel." Napatingin ako sa pusanggala na kasalukuyan nang nakaupo at isinasara ang butones ng blouse niya. "Hindi ko gustong magka-tumor, mahal ko pa ang buhay ko." Ibinaling niya ang tingin niya kay Harry, "I'll be back na lang next time, Doc. Kapag marunong nang magpaka-professional ang asawa mo."

My cheeks flushed in an instant dahil sa sobrang inis. Napatungo tuloy ako dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko tuloy daig ko pa ang walang pinag-aralan.

Harry sighed. "Okay. Take care of yourself, Ms. Valeria. 'Wag mo ring kalimutan inumin ang mga gamot mo."

"Yes, Doc." She smiled sweetly then tumayo na at naglakad palabas. Nakaka-intimidate pa nga ang tunog ng heels niya bawat hakbang niya lalo pa't napakatahimik ng environment. She then stopped sa tapat ko at tinitigan ako.

"What?" tanong ko.

"You're blocking my way."

Nakaharang nga naman ako, ang laki ko pa namang harang dahil ang taba ko na, kaya tumabi ako, at lumabas na nga siya, the intern followed suit. The moment they left, kusang tumulo ang luha mula sa kaliwang mata ko.

"I'm sorry," mahina kong sambit habang nakayuko.

And then I felt Harry enveloped me with his arms, and I cried even more.

I let go of our hug and I wiped my tears away. "I'm sorry. It's just that, nakaka-insecure."

"Insecure?"

"Look at me nga, Honey, ang taba-taba ko na. My arms got bigger—" He kissed me.

"Eww!"

Napahiwalay kami ni Harry nang marinig namin ang pag-eww ni Hardy. Nagkatinginan kaming dalawa at natawa.

"Andito pala ang baby namin!" Agad na binuhat ni Harry si Hardy.

"I'm a big boy na, Daddy!" Kapag ako ang tumatawag ng baby kay Hardy, okay lang sa kanya. Haha.

"Okayyy?" sabi niya habang natatawa.

Umupo kaming tatlo sa bed at sinabi ko kay Harry ang pakay namin, na gusto ko talaga ng blueberry cheesecake, kaya lang nawalan na ko ng gana so I told him na lang na later na lang pag-uwi namin, he'll bake for me raw. Saka ano nga ba namang pumasok sa isipan ko at magpapa-bake ako sa kanya eh nagtatrabaho siya. 

Baliw ka talaga, Dianne.

"Honey, may mga pasyente pa kasi sa labas, eh. Kanina pa sila naghihintay. Is it okay if hintayin niyo na lang ako sa labas? You can watch whatever channel you want, and may mga magazines din doon—"

"Sige, okay lang. Pero pwede bang dito muna si Hardy. Hindi ka naman manggugulo 'di ba, Hardy?"

"Yes, Mommy!"

Napailing si Harry habang nakangiti dahil alam naman niya ang dahilan kung bakit gusto kong iwan si Hardy dito sa loob: ayokong mag-alaga ng bata.

"Okay," pagsang-ayon ni Harry.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now