CHAPTER 17: Last Time? Or Not?

9.1K 154 12
                                    


HARRY’s

“DADDY, bakit diyan ka po natutulog?”

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Hardy. I opened my eyes and I saw Hardy staring down on me. And then I realized na nandito nga pala ko sa sofa natulog.

Umupo ako nang maayos at agad na kumalong sa’kin si Hardy. “Daddy, I went to your room a while ago kaya lang wala kayo ni Mommy doon. I want to pack my things na para later pagpunta po natin sa Batangas.”

Nagtaka ako. “Wala si Mommy sa kwarto?”

“Wala po. Bakit dito ka po natutulog?”

“Wala. May pinanood lang si Daddy kaya lang nakatulog ako. Nag-breakfast ka na ba?”

“’Di pa po. Gusto kong kasabay kayo ni Mommy saka si Arianne.”

Binuhat ko si Hardy at naglakad papunta sa dining room. “Eat ka na muna, Hardy. Ako na magpa-pack ng things mo.”

“Pero po—”

“Sige na. ‘Wag nang makulit.” Inupo ko na siya sa upuan at sinabihan ang ilang kasambahay na bantayan at ipaghayin si Hardy. Ang yaya naman ni Hardy at Arianne ay pinag-impake ko na dahil kasama sila pa-Batangas.

Ako naman ay umakyat sa kwarto. Hardy was right, wala rito si Dianne. And wala rin si Arianne sa crib niya so I’m sure na nasa playroom sila.

Umakyat ako sa second floor para puntahan sila. Before knocking the door, I sighed and fixed myself. Kaya ko na bang harapin si Dianne? Sigurado akong galit na galit pa siya sa’kin. Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko? Maski ako ay nagagalit sa sarili ko.

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ito. Naabutan ko si Dianne na nakaupo sa tabi ng crib at nagbabasa habang si Arianne ay nasa sahig na may malambot na carpet at naglalaro. Dianne didn’t bother to look at me, she just continued reading. Nilamig ako hindi dahil sa buga ng aircon kundi dahil sa pakikitungo niya sa’kin. What do I expect?

Muli akong bumuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob. Una kong pinuntahan si Arianne. I sat next to her and she automatically smiled and laughed. What a relief.

“Hi, Babyyyy.” Binuhat ko si Arianne at nilaro. Nakakatuwa dahil ang aliwalas ng mukha niya, she’s just smiling and giggling and all.

Ibinaba ko ulit si Arianne at nagpatuloy siya sa paglalaro. Then what I did next ay humarap kay Dianne. Tiningala ko siya since mas mataas ang pwesto niya. “Dianne.” I placed my hands on her thighs pero tinanggal niya ang pagkakapatong ng kamay ko dito.

“Don’t touch me.”

Napatingin ako sa mga mata niya. “Dianne…I’m…I’m sorry.”

Hindi niya pa rin ako tinitignan, patuloy pa rin siya sa pagbabasa so I just continued explaining. “Alam kong mali ang nagawa ko, Dianne. Aminado naman ako, eh. I even promised to you before that I won’t be harsh on you, that I will respect you pero, Dianne… I just… I just missed you.” May kung anong sumipang kurot sa konsensya ko. Alam ko naman sa sarili kong hindi ‘yon ang dahilan kung bakit hiniling kong maging marahas kagabi.

Sinubukan kong hawakan ang braso niya. “Dianne, please? I’m sorry. Miss na miss na kasi talaga kita. And…And I’ve been on a tiring day yesterday. Forgive me, please?”

And at last…tinignan na rin niya ko. I feel so low of myself dahil nakaupo ako sa harap niya ngayon at dahil…bumaba talaga ang tingin ko sa sarili ko right after what happened at the stag party.

Nagsimulang kumislap ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha. “You see this?” My eyes got widened as she rolled her shirt down her chest. I saw a small bruise slightly above her right breast.

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now