CHAPTER 03: Jealous Baby

14.6K 236 5
                                    

DIANNE's

"DIANNE, may dalaw ka!"

Tinignan ko nang masama ang kasamahan ko dito sa lab na si Kristine, she's a MedTech. "Dalaw? Tingin mo sa'kin? Preso?"

"Haha! Joke lang! Ang cute mo talaga, Dianne!" at pinisil niya ang pisngi ko pero agad akong umiwas dahil nga kung saan-saang kemikal niya pinanghawak 'yun! "Ay, sorry! Nalimutan ko!"

"Ano ba! Tss." Inirapan ko siya pero nakangisi pa rin siya sa'kin.

Ayoko sa kanya. Hindi naman 'yung ayaw na gusto ko na siyang ipa-murder at gusto ko nang ipa-massacre ang pamilya niya. Ayoko sa kanya kasi masyado siyang mabait. Okay, ang bestfriend kong si Chloe, siya ang pinakamabit na taong nakilala ko! Sobra sobrang bait niya kaya naabuso. Pero ang kabaitan niyang 'yun, napaka-genuine. Ito kasing kay Kristine, nakakairita. Sobrang cheerful and positive kasi sa buhay. Para siyang naglalakad na rainbow.

Lumabas ako sandali ng lab at nakita ko si Harry.

"Bakit andito ka?" tanong ko.

"Sungit, Honey."

"Sorry. Nakakabanas kasi si Kristine, eh. Bakit andito ka nga? Baka hinihintay ka na ni Hardy sa school nila. Iiyak 'yun kapag hindi mo agad siya sinundo."

"Pinasundo ko na siya sa driver natin. Ikaw ang kailangan kong sunduin."

"At bakit?"

"You promised."

Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. "Last na 'to, promise. Hindi na ko magtatrabaho bukas. Bukas pa naman ang saktong 4 months ng baby natin, eh. Hihinto na talaga ko bukas! Promise!" I raised my left hand.

"Left 'yan!" pagmamaktol niyang parang bata.

"Fiiiiiiine." I rolled my eyes then raised my right hand. "This will do, right?"

Instead of answering, he stole a kiss from me at agad siyang tumalikod.

"Hoy!" sigaw ko.

Nilingon niya ko at ngiting-ngiti ang loko. "Text mo ko kapag tapos na shift mo ha? Sunduin kita!"

"Sunduin mo mukha mo!"

"I love you too!" at nag-flying kiss pa bago tumalikod. Sumisipol pa siya habang papalayo.

Napangiti na lang ako.

"Ang sweet!"

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Kristine na kilig na kilig.

"Talaga?" I smiled sarcastically.

"Talaga! How I wish may ganyan din akong ka-sweet na boyfriend!"

"Eh, 'di mag-boyfriend ka sa asukal!" Umirap ulit ako at pumasok na sa loob ng lab.

Sinuot ko ang face mask ko at bumalik na sa pagtratrabaho. Mabuti na nga lang at dito lang ako sa may reception area, walang Kristine na mangungulit sa'kin dito. Hindi naman binawasan ang sweldo ko kahit mas maalwan na ang ginagawa ko compared noon na hands-on ako sa lab mismo. Saka hindi ko naman kailangan ng malaking sweldo, ang yaman kaya ni Harry. Saka okay lang sa'king mabuhay ng simple, sa ganun naman ako lumaki.

NANG matapos na ang shift ko ay lumabas na ko ng lab. Hindi ko na kailangang i-text si Harry dahil nasa labas agad siya.

"Okay ka lang? Hindi naman ba naapektuhan si baby sa loob ng lab?"

"I'm okay, Honey. How many times do I have to tell you na hindi ako pumapasok sa loob."

"I'm just worried, Honey. Sobrang risky ng ginagawa mo."

Broken Promises [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon