Chapter Thirteen: New Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

Mukha siyang rocker o di kaya isa sa mga kabataan na kasama sa gothic group.

"Anong ginagawa niya dito?" Sa isip ko.

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon matapos kong lumayas sa bahay ni Trojan kaninang umaga.

Mabuti na lang at nauna akong nakaalis sa kanya bago pa niya ako nakita. Tinaon ko talaga na makaalis bago pa siya magising at pumasok sa opisina niya.

Matapos nang naging pag-uusap namin doon sa kwarto na iyon, palihim akong nakipag-usap sa ilan sa mga maid niya sa bahay at tinanong ang mga madalas na ginagawa ni Trojan sa bahay. At doon ko nga napag-alaman kung anong oras siya nagigising at anong oras siya umaalis sa bahay.

Mabuti na lang at hindi na nagtanong sa akin ang katulong na napagtanungan ko. Mukhang wala naman ni isa sa mga katulong sa bahay ang nagtanong sa palusot ko nang sabihin ko sa kanila para magpahangin.

Wala na akong pakialam kung naiwan ko man ang gamit ko doon sa bahay ni Trojan. Sa kanya na ang lahat ng iyon kung gusto niya! Basta hindi na ako babalik sa pamamahay na iyon kahit kailan!

"May problema ka rin sa lalaki ano?"

Muli akong napalingon sa babaeng naupo sa tabi ko.

Nakita ko siyang napabuntong-hininga matapos niya akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ang tanga nung lalaking nangbasura sa'yo." Sabi niya sa akin maya-maya habang nakatingin sa store na nasa tapat ng upuan namin. "Ang ganda-ganda mo tapos iiwan ka lang din niya na parang basahan?"

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo, Miss? At sino ka ba?"

Nagulat ako nang bigla na lang niya hilain ang isang kamay ko saka niya ako dinala sa kung saan.

"Halika. Kumain muna tayo. Libre na kita."

Wala na akong ibang nasabi pa nang kaladkarin niya ako papasok sa isang sikat na fast food chain saka siya nag-order sa amin ng dalawang hamburger at large fries saka kami naupo doon sa bakanteng upuan malapit sa isang sulok ng pakainan na ito.

"Kumain ka muna. Ang payat mo eh. Pinapakain ka ba ng maayos sa inyo?"

Biglang pumasok sa utak ko ang mukha ng Trojan Mondragon na iyon. Ganoon din 'yung sinabi niya sa akin nang dalhin niya ako doon sa bahay niya.

Wala sa loob na napatingin ako sa sarili ko para tingnan kung ganoon na nga ba ako kapayat sa ibang tao.

"Ano bang ginawa sa'yo ng hayop mong boyfriend?"

Bigla akong napatingin ulit sa babaeng nasa harapan ko.

Hindi ko maiwasang mapangiwi sa kapal ng eyeliner at itim na eye shadow sa mata niya. Maging 'yung itim niyang lipstick at ilang piraso ng hikaw sa tenga niya ay hindi nakaligtas sa tingin ko.

Pero nang titigan ko siya nang mabuti, maganda naman siyang babae. Tingin ko kapag inalis niya ang makapal niyang make-up na pang goth, palagay kong sobrang ganda niya. At sa tingin ko rin ay ilang taon lang ang tanda ko sa kanya.

"Hoy! Ano na?" Sabi niya maya-maya sabay pitik ng mga daliri niya sa tapat ng mukha ko na nagpaalis sa utak ko sa lihim na pag-o-obserba sa kanya.

"H-Hindi ko siya boyfriend."

"Ah. So fck buddy ka lang din niya?"

Napanganga ako doon sa talas ng bibig niya sabay napatingin sa mga mesa na nasa tabi namin.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon