STBFL: Chapter 16

Start from the beginning
                                    

"Andres!!" Sigaw ko sakanya, "Opo Miss Rhyme, kumatok po ako. Sorry po!" Nahihiyang paalam ng kasambahay namin atsaka lumabas na ng kwarto ko!

Seriously? Bakit hindi ko narinig yung pagkatok niya?! Ginamit ko ang buong lakas ko para maitulak siya!

Panay ang ngisi niya nang makawala ako sakanya, "Umalis ka na nga! Bakit ba kasi sumabay ka pa ng off saakin?!" Bulyaw ko sakanya.

"Para makasama ka naman." Naiinis ako sakanya panay kasi ang ngisi niya, nasosobrahan siya ng saya sa katawan.

"Virgin ka pa nga Vana." Panunuya niya saakin na nagpapula sa mukha ko! Umupo ako at pinaghahampas ko siya ng unan!

"Napaka bastos mo!" Sigaw ko sakanya, tumawa lang siya at kinuha yung unan na hinahampas ko sakanya. "Haha. Kasi naman, niyayakap ka lang tumataas na yung balahibo mo sa batok. Virgin." Pang aasar niya saakin, kung nakikita ko lang ngayon ang mukha ko sa salamin daig ko pa siguro yung pagkapula ng kamatis!

"Ano ngayon kung virgin pa ako?! Bwisit!" Sigaw ko sakanya atsaka lumundag na ako pababa ng kama, maliligo na ako dahil may gimik kami nila Bea ngayon, ang tagal na naming hindi nakakapag bar! Yun din ang dahilan ko kaya ako nagbunot ng buhok kanina sa kili kili para makapag dress naman ako!

Libre naman daw ni Bea lahat ng gastusin ngayong gabi kaya wala akong poproblemahin sa pera.

____

"Nandito ka pa rin?!" Sigaw ko sakanya, tumango siya.

"Pwede bang h'wag ka nang tumuloy? Dito ka nalang." Tanong niya, ngumiwi ako at umiling.

Umupo ako sa tapat ng drawer ko kung saan may salamin at kinuskos ko ang basang buhok ko saka sinuklay iyon para ma-i-blower ko. Naka-bath robe pa ako ngayon.

"Plano na namin 'to ng mga kaibigan ko." Sagot ko sakanya, bumaling ako sakanya at hindi ko kinaya ang malalim na pagtitig niya saakin. "Magbibihis ako, papanoorin mo ba ako?!" Hiyaw ko sakanya.

"Di ako aalis dito para hindi ka makapag bihis." Pilyong sabi niya na nakapag paawang sa bibig ko!

"Andres!!"

"I'm serious." Ramdam ko nanaman ang awtoridad sa boses niya, "Sa cr ako magbibihis!" Sigaw ko.

Pumunta siya sa tapat ng pintuan ng cr at humalukipkip, "Hindi kita papapasukin ng cr." Anunsyo niya.

Titig na titig siya saakin na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko!

Pumikit ako at umiling iling ako, no choice! Binuksan ko lahat ng pinto ng cabinet ko at itinakip ko iyon saakin. Tanging ulo ko nalang ngayon ang nakikita ni Andres! Nanlaki ang mata niya nang hubarin ko ang bathrobe ko habang titig na titig sakanya! Ha! Wala siyang makikita dahil nakatakip naman lahat ng pinto ng cabinet ko, pinagtaasan ko siya ng kilay at kitang kita niyang nagkakabit ako ngayon ng bra.

Nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan pero no choice! Kailangan kong makapag bihis! Napansin ko ang marahan na paglunok niya at parang unti unting lumalamlam ang pagtitig saakin ni Andres.

Sunod kong isinuot ang underwear ko at kasunod non ang maikling dress ko. Matapos kong magbihis marahas ko isinara ang cabinet at binelatan ko siya!

"Akala mo siguro mapipigilan mo ako ano?" Panunuya ko sakanya, pinilit kong pasiglahin ang boses ko dahil sa totoo lang nahihiya ako sakanya.

"Damn it Vana." Nahihirapang bulong niya atsaka siya na ang kusang lumabas ng kwarto ko! Kitang kita ko ang paghinga niya ng malalim at kasunod non ang pagpapakawala ko ng malalalim rin na paghinga!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now