#⁴⁴: Magnus

7.3K 424 54
                                    

"Papa, nandito na si Lolo." Sigaw mula sa baba ni Zander habang nakatingala sa akin hanggang sa ikatatlong palapag kung nasaan kami ni Alexander na nagpapatugtog ng piano na dumungaw kami mula sa balkonahe hanggang sa gate kung saan naghintay na ang anak namin na tuluyang bumukas ng awtomatiko ang gate ng bahay at pumasok ang kotse ng papa.

Oo, tama kayo. Bumisita ang papa, tatlong buwan na mula ng huling pasyal namin sa bahay niya at pangatlong beses na din itong napapasyal sa amin. At saktong pitong buwan na din ngayon ang nasa sinapupunan ng asawa ko.

Wala man kaming magandang usapan ng papa ay nakagaanan na din ng loob ko ang makita ito. Hindi man kami derektang nag uusap sa tuwing papasyal ito dito sa bahay ay hindi na gaya ng gati na umiilag ako dito. Nakikipaglaro ito kay Zander, nakikipag usap sa asawa ko. Nakapagpakilala na din ang papa sa mga magulang ni Alexander at maganda naman ang kinalabasan ng lahat. Nakausap mo na din ang mga kapatid at mama at sinasabi sa mga ito ang pagbabago ng papa. Gaya ko, hindi din sila kumbinsado pero sabi nila, kung kaya ko na daw itong patawarin, mapapatawad na din daw nila ito. Kaya naman siguro nga, ito na ang tamang panahon na kausapin ko ang papa ngayong nandito ito sa bahay.

"Papa," kumaway pa ang anak namin mula sa baba ng tuluyang bumaba sa kotse nito ang papa. Kumaway na din ako sa kanila ng pati si papa ay tumingala na din sa amin saka ako ngumiti. Hindi man siguro masyadong mapapansin sa baba ang naging ngiti ko ay alam ko, napansin iyon ni papa.

"Ahh!." Bigla naman akong napalingon kay Alexander na nasa tabi ko ng bigla itong napaigik ng mahina.

"Bakit?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Sapo ang tiyan na ngayon ay malaki na. Para na ngang kabuwanan niya dahil sa bilog na bilog na ang tiyan niya. Oo, tatlo ba naman na malulusog na puro lalaki ang dinadala niya.

"Sumipa na naman sila." Lukot ang mukha niyang sagot sa akin kaya naman napangiti ako. "Ngitian mo ako, kagatin kita diyan eh." Asar na sabi pa niya sa akin na ang ngiti ay naging mahinang pagtawa.

"Sorry na. Ang kyut mo kasi eh." Sabay pisil sa pisngi niya.  "Mga anak, huwag niyong pahirapan si daddy, ako ang mahihirapan na naman mamaya nito." Sabi ko naman ng yukuin ko ang tiyan niya at dinampian iyon ng mga halik. Naramdaman ko ang paggalaw nila kaya naman nakangiti na napatingala ako sa kanya na napakislot na naman dahil doon. "They hear me." Sabi ko ng tumayo ako ng tuwid. Saka siya niyakap. Pero sa pagyakap ko. Naman. Umiral na naman ang panggigigil niya at kinagat na naman ako. At isa pala iyon sa hindi pa nawawala sa kanya, lagi parin itong sinusumpong at hanggang ngayon ay naglilihi parin siya. Sabi nga ng mama, may ganun talaga, baka nga hanggang sa manganak na siya. "Sweetheart naman eh. Puro latay na ng ngipin mo ang katawan ko." Kunway pagrereklamo ko.

"Hmmp! Alam mo naman na nanggigigil ako sa ganitong oras, bakit kasi yumakap ka sa akin." Sagot niya.

"Oo na. Kasalanan ko pa ngayon na gusto kitang yakapin. Mmm! Sa kahit oras oras minu-minuto yayakapin kita ay hindi ako magsasawa." Sabi ko naman sa kanya na lalong nakapagpasimangot sa kanya. "Tara na nga, hinihintay na tayo ng anak mo sa baba."aya ko na sa kanya at paalalay pa na humawak ako sa likuran niya habang pagkaagapay na kaming bumaba hanggang sa unang palapag.

"Magandang tanghali po papa." Bati niya kay papa ng makalapit kami sa kanila.

"Magandang tanghali din hijo. Kumusta ang lagay mo? Hindi ka ba naman nahihirapan sa pagbubuntis mo?" Ganting bati na may kasamang tanong mula rito.

"Okay lang naman po papa kahit na medyo nahihirapan kasi masyado na silang malilikot." Sagot nito. "Ano palang gusto niyong meryenda, ah kumain na po ba kayo ng tanghalian?" Tanong pa niya.

"Ok na ako hijo, nagpahanda na ang apo ko ng meryenda kay Joy."

Ngumiti naman ang anak namin ng tumingin ito sa amin.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now