#³¹: Magnus

6.2K 355 31
                                    

"Papa, mama, Xydel. Patawarin niyo ako dahil sa ginawa ko kay Alexander, at ang mabigat na dahilan ko kaya ngayon lang ako nagpakita sa mag ina ko ay dahil nawala ang ilan sa mga alaala ko sa kagagawan ng aking ama." Sabi ko sa kanila na hindi na nagawang magsalita sa mga sinabi ko. Pero hindi ko na hahayaang matapos ang araw na ito na hindi ko naipapaliwanag ang side ko sa kanila.

"Mahirap man paniwalaan ang mga paliwanag ko ay iyon ang katotohanan dahil ama ko mismo ang naging dahilan." Pagpapatuloy ko. "Dalawang taon mula ng insedenteng iyon. May mga sumasagi sa utak ko na may mali. Na may dapat akong gawin, na para bang may nakalimutan ako. Hanggang sa maalala ko ang huling gabi ng pag uusap namin ni papa ng umuwi ako para sana makapag-isip ng susunod kong gagawin matapos ng ginawa ko kay Alexander. Iyon na lang ang naalala ko. Na may kung anong itinurok sa akin ang papa ng gabi ding iyon. Dahil paggising ko, wala na akong ibang maalala kundi ang mga bagay na lang na nasa paligid ko. Ang papa ko, ang mama, mga kapatid ko. Kaya nagpasya akong alamin iyon sa sarili ko. Ginawa ko ang lahat para makagawa ng gamot para kontrahin ang gamot ng papa ko. Three years akong sumubok. Hanggang sa lumipat na ako dito. At doon ko nakilala si Alexander, pero hindi ko siya maalala kung saan ko siya nakita. Pero may kung ano sa puso ko na nagtutulak sa akin na alamin kung saan ko ba siya nakita at nakilala dahil nandito na siya."sabay turo ng puso ko." Hanggang sa isang araw, nagtagumpay ako. Sa higit na dalawampong beses na eksperemento ko sa tatlong taong ginugol ko, nagawa ko ang lunas ng gamot ng aking ama." Pagkukwento ko. At doon na tumulo ang luha ko. Dahil talagang nasasaktan din ako sa limang taon na nasayang ko para itama ko ang pagkakamali ko kay Alexander. "Doon ko muling naalala ang kasamaang ginawa ko kay Alexander, sa asawa ko. Doon ko naramdaman muli ang pagsisisi ko. Pagsisisi ko sa kasalanan ko sa kanya. Limang taon. Limang taon ang nasayang ko. At sa limang taong iyon, alam kong mas lumalim ng lumalim ang puot at galit sa akin ni Alexander."

"Alam ko. Mali na naman ako sa naging disesyon ko na huwag munang sabihin sa kanya na ako ang lalaking iyon sa nakaraan niya. Ako ang lalaking hayop na gumahasa sa kanya. Pero papa, mama. Nakikiusap ako. Hindi man kayo naniniwala sa paliwanag ko, sana bigyan niyo ako ng pagkakataon na ako mismo ang magsabi sa kanya ng katutuhanan. Nakikiusap ako na sana, mapatawad niyo din ako sa ginawa ko sa kanya." Tulo ang luha ko habang sinasabi ko iyon sa kanila.

"Hindi nga sana kami naniniwala dahil napakaimposeble ng naging rason mo sa pagkawala mo ng limang taon. Pero kilala ang ama mo na nakakagawa siya ng mga gamot na hindi nagagawa ng iba. Hindi na ako nagtataka, dahil isa ka din sa kagaya ng ama mo. Ikaw nga ang may gawa ng gamot na iniinum ni Alex noon para sa cycle ng buwanan niya. Na sarili mong obra." Sabi ng papa. "Pero sana ng bumalik na ang alaalang iyon sa isip mo hindi mo na sana pinatagal na umabot pa tayo hanggang dito."

"Alam ko papa. Kaya humihingi ako ng tawag."

"Hindi kami ang nagawan mo ng kasalanan. Masakit man sa amin ang nangyari noon sa anak namin ay hindi kami ang nakaramdam ng hinagpis at sakit dahil sa ginawa mo. Na halos magtulak sa kanya na kitilin ang buhay nila ng anak niyo. Pero sige, kung kaya kang patawarin ng anak namin sa kasalanan mo sa kanya,sino ba naman kami para hindi ka patawarin. Pero sana, hindi mo na patatagalin ang paglilihim mo sa kanya. Dahil kami na mismo ang magsasabi sa kanya na ikaw ang lalaki sa nakaraan niya." Seryusong may pagbabantang sabi nito sa akin.

Pinahid ko ang luha ko gamit ng likod ng palad ko saka ako tumango. At ngayong si Alexander na lang ang hindi pa nakakaalam, kailangan ko na ngang sabihin iyon sa kanya. Sa lalong madaling panahon.

"Maraming salamat papa. Maraming salamat sa pag unawa niyo. Makakaasa kayo na sa mga araw na ito ay sasabihin ko na sa kanya."

"Huwag ka pang magpasalamat dahil hindi ka pa napapatawad ni Alex. Kaya binabalaan kita Magnus, umamin ka na kay Alexander bago pa mahuli ang lahat." Hindi pa man ako nakakasagot ay tinalikuran na niya ako saka binalingan sina mama at Xydel. "Tara na, hindi na tayo dapat magtagal dito." Saka nauna ng naglakad ang papa palabas ng bahay.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now