#³⁰; Magnus

8.1K 377 68
                                    

Napapangiwi ako habang pinapasadahan ko ng mga kamay ko ang marka ng kagat ni Alexander sa magkabilang balikat ko.

Pinanggigigilan niya sa tuwing umaga at sa paggising niya ng hating gabi. Isang linggo na ang lumipas mula ng magwala siya. And he is now 38 days pregnant.

Nasa loob ako ng banyo para maligo muna bago ko siya sunduin sa school niya. Habang si Zander naman ay si Xydel na ang kumuha at dinala sa kabilang bahay.

Ganun naman lagi ang ginagawa namin. Kung hindi ako ang susundo ay ang mga body guard na lang ang mag uuwi sa kanya o di kaya naman susunduin ito ni Xydel. At ako naman lagi ang sumusundo kay Alexander.

Mula ng malaman niya na buntis siya ay mas lumala ang paglilihi niya. Sa umaga masigla siyang nagigising pero kapag sumapit na ang hapon ay nandoon ang pagkahilo niya kaya naman sinasabi ko sa kanya na huwag na huwag na siyang lalabas sa classroom niya kapag nakaramdam siya ng hilo at ako na lang ang pupunta doon para sunduin siya. Pero ang tigas ng ulo niya. Mabuti na lang ay napakiusapan ko si Jaren na siya ang sumama sa kanya na maghintay sa baba ng department nila. Nagtataka man siguro si Jaren kung bakit ako lagi ang sumusundo sa kanya at sa hindi maipaliwanag kung bakit siya nahihilo ay hindi naman kami na oobliga na sabihin iyon. Ayaw kasi ni Alexander na malaman ng iba ang kalagayan niya. Kaya wala pang nakakaalam maliban sa amin. At ng mga magulang at kapatid niya.

"Argh!." Napangiwi na naman ako ng madiinan ko ang balikat ko sa pagsasabon. "Damn it." Ang hirap pala na ako ang paglihian niya. Demanding siya. Gusto niya ako ang una niyang nabubungaran sa paggising niya sa umaga at kapag nagigising agad niyang ibabaon ang mukha sa balikat ko para amuyin ako at mararamdaman ko na lang na nakagat na niya ako. Tapos dadampian ng halik and licked the bite mark he made. Tapos yayakap siya sa akin at bubulungan ng " I LOVE YOU." Kaya kahit masakit ang pagkagat niya sa akin ay napapangiti parin ako dahil palagi niya akong nilalambing. Hindi lang iyon, mas mabilis ang reaksyon niya na agad na umiinit at gustong gusto na angkinin ko siya.

Dala ng pagtaas ng hormones niya kaya ganun. Dala na din ng bitaminang ipinainum ko sa kanya nitong nakaraang dalawang buwan. Every week kong nilalagyan ang inumin niya ng gamot na ginawa ko kaya naman naging sigurado ako ng itawag ng body guard na ipinasama ko sa kanya ng pumunta siya sa Gym ng Jace na iyon ng nahilo siya. May pusibilidad na dala nga ng pagpupuyat niya dahil sa pag rereview niya pero mas sigurado ako sa katutuhanang buntis siya sa pangalawang anak namin.

Oo, alam kong mali na naman ang ginawa ko pero gusto ko ng masundan si Zander. At pasalamat ako at hindi na ganun kalala ang galit niya dahil mas nanaig sa kanya ang paglilihi niya na ang katutuhanang ako ang pinaglilihian niya. Pero... Pero puro marka na ng ngipin niya ang leeg ko. At hindi lang sa leeg. Dahil ng magreklamo na akong masakit na ang leeg ko ay kahit saan na dumapo ang ngipin niya sa buong katawan ko.

Naiiling na lang na ipinagpatuloy ko ang pagligo ko. Malay ko ba na ako ang paglihian niya. Hindi ko naman ginusto na sa akin matutuon ang pansin niya ngayon.

Hayst! Magnus Mondragon. Tiisin mo ang kalukuhang ginawa mo. Paninisi pa ng isang bahagi ng utak ko. Oo, talagang ganun na nga. Kung hanggang kailan siya maglilihi. Sabi nila 1 to 3 months ang kalakasan ng paglilihi pero may nagsabi na pwede ding hanggang sa manganak ito. Naku, huwag naman sana. Dahil paniguradong wala ng space na pwedeng kagatan sa katawan ko kung nagkataon na ganun na nga.

Sana nga. Tatlong buwan na lang ang iniisip ko ay marami pang maidadagdag sa katawan ko na bite mark. Ano pa nga bang magagawa ko. Napapabuntong hininga na lang ako hanggang sa tuluyan na akong natapos maligo at sinundo na ang mahal kong si Alexander.

"Mmmm."naramdaman ko ang paggalaw niya. Hindi ko alam kung anong oras na ng gabi. Kasi kaninang dumating kami galing school ay agad na naligo bago antulog dahil sa pagkahilo niya.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now