#³⁶; Alex

7.7K 381 80
                                    

"Magnus, papa? Anong nangyari? Bakit hindi kayo nagsasalita????" Naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa. Hindi ko mahulaan ang reaksyon nila habang nakatingin na sa monitor. Anong nangyari, bakit hindi nila agad sabihin sa akin ang nakikita nila. Kung alam ko lang tignan at ibig sabihin ipinapakita ng ultrasound ay hindi na ako magtatanong. Pero sila.... "Magnus naman eh. Sabihin mong okay lang ang baby ko. Sabihin mo." Nag aalala na ako. Ano bang nangyayari kina papa at Magnus. Bakit parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon. "Damn it! Sabihin niyo sa akin." Galit na may pag aalala na sigaw ko. Saka akmang babangon.

"Don't move. Stay put." Sabi ng papa at ikinilos pa ang hawak na transducer sa tiyan ko. Kaya naman napahiga akong muli habang hawak na ang isang kamay ni Magnus. "They are at the right place." Sabi ng papa. At dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. Okay naman pala ang baby ko kung makapag react naman kasi sila ay parang may masamang nangyari. Tumingin ulit sa akin si papa saka ngumiti bago ibinaling ang tingin sa kanya at kay Zander.

"Here you go Zander, look at them, they are your baby brothers, baby." Si Magnus ay itinuro ang monitor.

Sandali nga. Bakit hindi nila ako pinapansin at hindi sabihin sa akin ang nakikita nila. Maliit naman ang nasa monitor at tanging kulay abo at puti lang ang nakikita ko.

"Magnus, ano kumusta ang baby ko." Tanong ko na naman sa kanya at hinila pa ang kamay niya para lang pansinin ako. Ano ako? Imbisible lang at hindi ako nakikita at kapansin pansin. Hello! Ako kaya ang buntis at baby ko ang iniscan ni papa.

"Talaga papa,." Si Zander na talagang hindi ako pinansin. "But look papa" sabay turo sa monitor. "I just don't have one brother, not two, but three." Sagot ng anak ko saka ko napagtanto ang unang sinabi ng papa. Na "THEY." Saka ko pinaglipat lipat ang tingin ko sa kanya at kay papa. Napalunok ako saka ko muling tinignan ang monitor. May mga maliliit na parang gumagalaw sa loob ng tiyan ko. Isa, dalawa, at tatlo.

"Tatlo sila????" Halos hindi ako makapaniwalang tanong sa kanila na nakapagpatingin sila sa akin na sabay sabay na tumango kasama si Zander. "Tatlo sila??" Muli kong tanong na nakapagpatango ulit sa kanila. Hanggang sa hindi tuluyang mag sink sa utak ko ang tanong ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

=

"Are you okay sweetheart?" Tanong agad sa akin ni Magnus ng magmulat ako ng mata. Anong nangyari? Panaginip lang ba ang nangyari kanina? Pero ng igala ko ang paningin ko sa paligid ay nasa loob parin ako ng utrasound room ni papa. Kaya naman muli kong tinignan ang monitor ng ultrasound pero hindi iyon nakaopen.

"What happened?"tanong ko ng tumingin ako sa kanya. Kami na lang dalawa doon. "Si papa? Si Zander?" Sunod sunod na tanong ko.

"Lumabas lang sila sandali sweetheart. Gutom na daw kasi ang anak natin kaya sinamahan ng papa. Kasi naman nawalan ka ng malay kanina at isang oras kading walang malay." Sagot niya sa akin.

"Nawalan ako ng malay? Bakit? Hindi ba ako nananaginip kanina?"

Ngumiti siya. Niyuko ako at dinampian ng halik sa labi.

"Your not dreaming sweetheart. And I love you so so so so much."

"You... you mean. You mean. Zander was right. It's not just one, nor two but three?" Paniniguro ko sa kanya. Para na namang hindi pumapasok sa utak ko ang tanong kung iyon. Tatlo? Tatlo ba talagang bata ang nasa loob ng tiyan ko?

"Yes sweetheart." Nakangiti at walang kagatulgatol na sagot niya sa akin sabay haplos ng tiyan ko. "We are having triplets sweetheart."

"Whhhhaaaaaaaat?" Natawa pa siya sa naging reaksyon ko pero muli niya akong niyuko at hinalikan. "Uhmp."

"I love you." Bulong niya ng pakawalan ako.

"Really?" Paninigurado ko na naman.

Tumango siya. Kumilos at inayos ang ultrasound. Inilihis ang damit ko at muling itinapat sa tummy ko ang transducer. Mahusay na kumilos ang kamay niya na pumipindot sa keyboard at sa pulse controler.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon