#³³: Magnus

6.9K 379 42
                                    

Humalik ako sa nuo niya. Bumalik ako sa silid namin ni Alexander ng masigurado ko ng tulog siya. Pasado alas dos na ng nadaling araw. Masuyong hinaplos ko siya sa pisngi. Nakapikit man siya ay napapansin na mugto ang mga mata niya. Namumula ang ilong dahil sa pag iyak niya. Mabuti na lang at wala silang klase bukas. Hindi na niya kailangang umabsent kung sakali dahil sa ayos niya ngayon.

Maingat na umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Kahit hindi ako ang nakakaramdam, ay alam ko na napakabigat ng dinadala niyang emosyon ngayon. Kung hindi lang sa mga inilalagay kong gamot sa inumin niya sa umaga ay malamang sa emosyong dinadala niya ay maapektuhan ang bata sa tiyan niya. And thanks God, na walang nangyaring masama kanina. Matibay ang kapit ng bata sa sinapupunan niya.

"Muli, patawarin mo ako Alexander. Pangako ko sayo, wala na akong lihim na itatago sayo. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita at ng mga anak natin. Sana, dumating ang araw na tuluyan mo na akong mapatawad. At maghihintay ako na darating ang araw na iyon."

Nagpalipas pa ako ng ilangbsandali na pinagsawa ko ang pagtitig sa kanya. Hanggang sa nagpasya na akong lumabas. Inayos ko ang kumot niya, at maingat na muling dinampian siya ng halik na ngayon, ay sa labi na niya. Hindi siya nagising pero gumalaw siya. Kahit papaano ay napangiti ako ng mahawakan niya ang kamay ko at niyakap iyon. Ingat na ingat ako na inalis ko ang pagkakahawak niya doon. Gusto ko man sanang manatili sa tabi niya ay hindi pwede dahil alam kong magagalit siya kapag ako ang una niyang nabungaran sa umaga pagkagising niya. Titiisin ko na muna ang hindi siya mayakap sa pagtulog ko. Ang hindi siya mahalikan kapag gising siya. Titiisin ko na muna ang lahat ng iyon hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad sa kasalanan ko.

Maingat na lumabas ako sa silid namin at tinungo naman ngayon ang silid ng anak namin. Gaya niya ay himbing na himbing na din ito sa pagkakatulog na hindi na namalayan ang mga nangyari kanina sa pagitan namin ng daddy niya. Pero hindi na ito dapat maisali pa sa away namin ng daddy niya, at alam kong ganun din ang nasa isip ni Alexander.

"Sleep tight baby, papa is always here for you, no matter what happened between me and your daddy. I love you baby." Bulong ko ng dampian ko ng halik sa nuo nito. At inayos din ang kumot saka ako nagtuloy sa kwarto ko sa ikaapat na palapag para makapagpahinga na rin kahit papaano. At para may lakas ako na harapin na naman ang galit ni Alexander sa akin bukas.

=

"Daddy, where are we going?" Tanong ng anak namin sa kanya habang iniempake ang mga gamit nila sa isang malaking maleta kinaumagahan matapos ang nangyari kagabi. Nagulat na lang ako ng sana ay pupuntahan ko ang anak namin para batiin ng magandang umaga ay naabutan ko siyang iniimpake ang gamit nito.

"We are moving out. No more question. Just pack your things." Seryusong sagot niya dito. Ako man ay hindi ko naman magawang pigilan siya dahil sa tuwing susubukan kong magsalita ay tatapunan niya ako ng masamang tingin. Ayaw man niya sigurong ipahalata sa anak namin ang mga nangyari ay alam kong nakakaramdam na si Zander. Gusto ko siyang pigilan at sabihing pag usapan namin ng maayos ang mga nangyari kagabi. Pero hindi ko naman mabuksan ang usaping iyon ngayong nasa harapan namin si Zander dahil alam kong ayaw niyang magtanong pa ng magtanong si Zander if what really happened. Gusto ko na ding sabihin na ako ang tunay na ama ni Zander. Pero hindi ako makikialam kong ano ang balak niya. Kung kailan niya sasabihin kay Zander na ako ang tunay nitong ama. Nasa sa kanya na iyon, para hindi na muling madagdagan pa ang mga kasalanan ko sa kanya. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magbukas ng usaping iyon.

Hahayaan ko muna siya, sisiguraduhin ko na lang na mababantayan ko sila ng maayos kahit nasa kabilang bahay sila.

"Daddy, how about papa Magnus? Why he didn't pack his thing?"

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now