#²⁰: Magnus

8.7K 411 37
                                    

Muling iginala ni Alexander ang paningin habang ang anak namin ay agad na tinungo ang ginawa ko na niyang silid noon pa man noong una silang tumungtong sa bahay ko. Na ngayon ay lumipat na sila ng bahay at dito na titira. Ayaw pa sana nilang lumipat pero hindi ako pumayag. Kaya nga nagpakasal na kami para sa akin na sila titira at para maalagaan ko sila ng anak namin. At higit sa lahat ay para mabawi ko ang limang taon na nasayang namin.

"Parang hindi ko yata kayang tumira sa ganitong kalaking bahay Magnus." sabi niya ng mapatingin sa akin. At bitawan ang maletang ginamit para ilipat ang ilang gamit niya sa bahay nila.

Ako naman ay nangingiti na lang habang sa kanya ako nakatingin. Nakakaaliw siyang pagmasdan. Hindi nakakasawa. Lalo na kapag ganito na parang naguguluhan lang siya o di kaya naman ay iyong ngumingiti siya. Nakakaengganyong tignan ang amo ng kanyang mukha.

"Why sweetheart? This is our home now. Lahat ng mayroon ako ngayon ay saiyo na rin. Lahat ng akin, ay sa iyo na rin. Kaya sanayin mo ang sarili mo sweetheart." Sagot ko saka ko siya hinila palapit sa akin at hinapit ko siya sa baywang at ipinulupot doon ang braso ko. Naiharang naman niya ang mga kamay sa dibdib ko at bahagyang itinulak.

Isa pa ito, nahihiya parin siya sa tuwing gusto kong maglambing sa kanya. Dinadahan dahan ko na nga minsan at hindi na masyadong naglalambing sa kanya dahil baka makalimot ako ay mabigla na naman siya at maalala niya ang ginawa ko sa kanya noon. Ayaw ko ng makikita siya na nanginginig sa takot at umiiyak kapag naaalala niya iyon. Dahil lalo akong nakokonsensya sa ginawa ko noon.

Alam ko naman na talagang nag iwan ako ng masamang alala na kahit na sino ay hindi iyon basta basta makakalimutan. Alam ko na napakalaking kasalanan iyong nagawa ko sa kanya at hindi kapa kapatawad.

Kaya ngayon, uunti untiin ko ang lahat para i open ang bagay na iyon sa kanya. Hanggang sa masabi ko na ang lahat at makahingi nga ako ng tawad sa kanya ng tuluyan para maisarado na ang masakit na alaalang naiwan ko limang taon na ang nakakaraan. At sana maintindihan niya ako kapag nasabi ko na iyon sa kanya.

Matagal ko naman na sanang nagawang humingi ng tawag sa kanya at naitama ang lahat kung hindi lang sa lintik kong ama. Kung hindi niya sa akin isinubok ang gamot niya. Nakalimutan ko man ang iba ay ang kawalang hiyaan niya ang hindi ko nalimutan. Ang pag ekspirementuhan kaming pamilya niya. Kaya nga lumayo na ang mama at mga kapatid ko sa kanya dahil hindi na nila matagalan ang pag uugali nito. At iyon ang isa pa sa ikinatatakot ko, ang lihim na pagbabanta nito. Alam kong alam na niya na anak ko si Zander at may balak itong kunin sa amin. At iyon ang hindi ko mapapayagan. Ayaw kong pati sarili kong anak ay kunin niya at pag iksperementuhan kapag nagtagumpay ito. Magkamatayan na kami kung iyon lang ang paraan. Dumaan muna ito sa bangkay ko bago niya magawa iyon sa anak ko. Tama na ang minsan sa akin niya sinubok ang gamot niya huwag na lang niya idamay si Zander.

"Ang lalim bigla ng nasaisip mo." Sabi niya sa akin na nakapagpawala ng nasa isip ko tungkol sa akin ama ng tapikin niya ang pisngi ko.

Tinitigan ko siya sa mata na ngayon ay nakatitig na din siya sa akin. Ang ngiti ko sa labi ay muling gumuhit at hindi na nawawala kapag napagmamasdan ko siya ng ganito kalapit na kahit na ano mang oras ay gugustuhin ko siyang angkinin.

"Your so cute sweetheart."bulong na sabi ko saka ko idinikit ang nuo ko sa nuo niya. "Masasanay ka din."

Tumango siya. "Pero saan ang silid natin?" Tanong niya ng muling iginala ang paninigin habang nakayakap parin ako sa kanya na halatang iniiwas ang mukha sa akin.

"Sa ikaapat na palapag sweetheart."

"Ang taas naman. Hindi ba pwedeng sa pangalawang palapag lang. Baka hinihingal na akong nakarating sa unang palapag kapag baba ako o di kaya naman aakyat ako." Reklamo niya dahilan para mapatawa ako. "Huwag mo akong tawanan. Dahil totoo naman. Bakit ba kasi sa ikaapat pa talaga."saka niya sinabayan ng paglabi.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Место, где живут истории. Откройте их для себя