#¹⁸: Magnus

8.5K 419 38
                                    

"Salamat po sa pagtanggap ng bisita sa ganitong oras tita." Seryuso man pero may ngiti sa labi kong sabi sa mama ni Alexander ng siya ang nagbukas ng gate nila. Alas nueve na kasi ng gabi.

"Okay lang iyon Magnus, tuloy ka. Tamang tama. Nandito ngayon ang papa ni Alexander para tuluyan mo ng makilala." Sagot naman nito. "Pinapatulog kasi ni Alex ang anak niya kaya hindi siya ang nagbukas ng gate para sayo. Halika na."

Nagpasalamat akong muli dito saka sumunod na ng ito ang hinintay kong maunang maglakad papasok.

"Maupo ka na muna hijo. Maghahanda lang ako ng meryenda. Tatawagin ko na din lang si Alex baka tulog na si Zander."

"Salamat po tita." Sinabayan ko ng pagyuko bago ako naupo. Iniwan na nga akong mag isa at paakyat na ng hagdan. Tama namang pababa ng hagdan din ang papa ni Alexander.

"Sino ang bisita natin sa ganitong oras Martha." narinig kong tanong nito at napatingin nga ito sa akin.

"Boyfriend ng anak mong si Alexander. Puntahan mo muna ng makilala mo na ang mamanugangin mo." Narinig ko namang sagot nito sa asawa.

"Sige, ng makilala ko naman bago ako bumalik ng hospital."sagot naman nito saka naglakad ng palapit sa akin. Tumingin at pinagmasdan ako kaya naman hindi ko din mabawi ang tingin dito ng tumayo ako para batiin ito.

"Magandang gabi po. Ako nga po pala si Magnus, Sir. Kinagagalak ko po kayong makilala." Magalang na pagbati ko dito saka ko inilahad ang kamay ko dito para makipagkamay.

Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay ko. "Sige, maupo ka. Ginabi ka yata sa pamamasyal, hindi ba pwede sa bukas mo na lang gawin ang pamamasyal?" Seryusong tanong nito sa akin ng umupo na din sa katapat na sofa sa inupuan ko.

"Pwede naman po, pero sinadya ko po talaga sa gabi dahil itinataon ko na makilala kayo. Alam ko naman po na busy kayo sa trabaho niyo bilang doctor. Kaya hindi po ako nagkamali ng oras at araw ng pagpunta dahil nandito kayo at hindi ako nabigo na makilala ko nga kayo ngayon." Mahabang sagot ko dito.

"Kung ganun, may mas mahalaga pa ba akong malaman kaya ka nandito?"

"Ganun na nga po sir."

"Alam mong lalaki ang anak ko. Bakit mo siya nagustuhan?"

"Alam ko po sir." Seryusong sagot kong muli. "At hindi ko lang siya gusto kundi mahal ko ang anak niyo. Hindi po ako nandito kung alam kong babae ang anak niyo. Siya ay siya, hindi niya kailangang maging babae para magustuhan at mahalin ko siya. Kaya nandito po ako, para opisyal na hingin ang kamay niya sa inyo. Dahil gusto kong pakasalan ang anak niyo." Deretsong sabi ko dito. Bakit pa ako magpaligoy ligoy pa kung iyon naman ang balak ko talaga. Kaya nga nandito ako para talaga doon, at sa lalong madaling panahon ay makasal ako sa kanya bago pa man niya malaman ang katutuhanan sa likod ng mga naging kasalanan ko sa kanya. At least kapag nalaman na niya, ay kasal na kami at hindi na siya basta basta mawawala sa akin. Dahil may panghahawakan na ako kung sakali man.

"Hindi ko alam kong gaano ka katotoo sa mga sinasabi mo, baka nabibigla ka lang. Alam mo ba ang ibig sabihin ng inaalok mo sa anak ko, at sinasabi mo sa akin. Kasal iyan, at hindi basta kasal kasalan lang. So you may think a hundred times bago mo alokin ang anak ko sa papasukin niyong bagong yugto ng relasyon niyo."

"Hindi lang hundred times ako nag isip.  I have the chance then, matagal ko ng gusto siyang pakasalan. Kaya ngayon po, nagkaroon na ako ng pagkakataon, hindi ko na sasayangin ang mga araw na magdadaan pa sa kasalukuyan."

"And how about his condition? Alam mo na ba ang kalagayan niya? His son?"

"Opo. At isa pa iyan sa gusto kong hingin ng pahintulot sa inyo, ang palitan ang birthcertificate ng anak namin. At ilagay doon na kami na ang tunay niyang mga magulang."

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now