#²¹: Alex

8.8K 405 40
                                    

*****Mature Content*****Strong Parental Guidance*****

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*****
Mature Content
*****
Strong Parental Guidance
*****

Payapang nakapikit at mahinang hilik ang naririnig ko sa bawat paghinga niya. Pinagmamasdan ko siya ngayon dahil hindi ako makatulog.

Ito ang unang gabi namin sa bahay niya. Namamahay ako. Pero si Zander, maagang nakatulod at gustong gusto ang kwarto na binigay sa kanya ng Magnus na puno ng mga libro na binili para sa kanya ni Magnus. Na para bang at home na at home na talaga siya. At masaya ako dahil itinuturing talaga ni Magnus ang anak ko na kanya. Iyong kanya galing talaga sa klase ng atensyon na ibinibigay niya sa anak ko. Kaya naman masayang masaya talaga ako at lalong napapamahal sa kanya. Kahit ang hirap paring kalimutan ang nakaraan ko ay nagiging payapa na ang pag iisip ko sa tuwing kasama siya at bihira na lang ang pag atake ng alaalang iyon sa isipan ko. Hindi na ako madalas bangungutin. Hindi na ako nagigising noon sa gabi na para akong mawawalan ng hininha sa tuwing napapanaginipan ko ang tagpong iyon. Dahil kusang lumalabas sa isipan ko si Magnus. Ang malambing niyang ngiti sa tuwing ngingitian ako. Siguro nga siya ang cure ko sa nakaraan ko.

And maybe some other time, magiging buo na ang pagpapaubaya ko sa kanya at magampanan ang papel ko bilang asawa niya.

Bilang mag asawa, gagampanan ko ang papel bilang babae. Weird man isipin pero iyon ang papel ko. Ang maging mabuting asawa sa kanya. Kakaiba man dahil pareho kaming lalaki ay hindi basehan iyon na hindi na magiging matagumpay ang bubuuin naming pamilya. Marami ng same sex marriage ang nabubuhay ng masaya na magkasama. Basta may pagkakaunawaan, may tiwala at higit sa lahat ay may pagmamahalan.

Kaya iyon ang gagawin ko. Ang mahalin siya ng buong puso. Ang ipagkatiwala sa kanya ang buong pagkatao ko. Ang ibigay sa kanya ang pag unawa sa lahat ng bagay. At iyan ang susi sa aming dalawa.

Kusang kumilos ang kamay ko to caress his cheeks while he is in deep sleep. Gumalaw siya pero hindi naman nagising. Tumagilid siya paharap sa akin at ipinulupot ang braso sa baywang ko. Kaya naman nangiti akong nagsumiksik naman sa katawan niya at pinilit na matulog.

Ang gaan ng pakiramdam ko habang ramdam ko ang init ng katawan niya. At naririnig ko mismo ang pagtibok ng kanyang puso.

"I love you Magnus." Bulong ko. Hindi ko na alam kung ilang oras ako sa ganung ayos. Hanggang sa tuluyan na akong gupuin ng antok na nakakulong sa mga bisig niya.

*****
*****

"Lets go sweetheart." Tawag niya sa akin mula sa unang palapag ng bahay. Nalate ako ng gising dahil hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi. Kaya naman heto ako at hindi magkandaugaga sa pag sasaayos ng sarili ko at mga gamit ko sa eskwelahan.

"Nandiyan na, sandali na lang." Pasigaw na sagot ko sa kanya at patakbong bumaba ng hagdan.

Nakatunghay na sila sa akin ni Zander na maayos ng nakabihis. Ako naman ay ewan, kung maayos ba ang pagkakasuklay ng buhok ko o hindi dahil hindi na ako humarap ng salamin mula kaninang lumabas ako ng banyo.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now