#¹⁴: Magnus

9.8K 466 48
                                    

"Everything. Everything about you."sabi ko sa kanya na halatang nagulat sa sinabi ko.

Hindi man ako makakakuha ng sagot mula kay Zander dahil talagang matalino ito at alam ang isasagot sa tuwing na isisingit ko ang usapin tungkol sa mga magulang. Alam ko na sa talino nito ay alam nito ang kasagutan ng tanong ko kung sino ang ina niya. Pero hindi ko talaga ito mapapaikot sa talino at talas ng isip nito.

Kung hindi kay Zander ako makakakuha ng sagot, kay Alexander ko mismo kukuhanin ang kasagutang iyon. Pero ako mismo ang nagulat sa sinabi niya. Na parang bumaba ang IQ level ko dahil hindi agad nag sink sa utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Kahit sa kung paano ako nabuntis kay Zander?"

"Kahit sa kung paano ako nabuntis kay Zander?"

"Kahit sa kung paano ako nabuntis kay Zander?"

Paulit ulit na nag play iyon sa utak ko. Nagbuntis. Nagbuntis. Ipinagbuntis niya mismo si Zander. Kaya ba walang malinaw na imahi ang ina ni Zander dahil siya mismo ang nagluwal dito. Siya mismo ang nagdala dito ng siyam na buwan. Hindi na bago iyon. Dahil sa dami ng mga bagong librong nabasa ko at poseble nga iyong mangyari. Sa dami ng na reresearch ko sa computer ko ay hindi maiiwasan na makasagab ng ganong balita na pwedeng magbuntis ang lalaki dahil mayroon silang ovaries, cervix and uterus. At sa bilyong bilyong tao sa mundo ay nasa sampo lang siguro ang kagaya niya.

"You-."halos walang boses na lumabas sa bibig ko. At ang makitang nagtagis ang bagang niya at tumulo ang mga luha niya ay doon lang bumalik sa tama ang pag iisip ko. Kaya agad ko siyang niyakap. Niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pinaghalong pagkagulat, na may saya ng malaman kong ako ang ama ni Zander at galit. Galit sa sarili ko.

Pero ramdam ko ang hinanakit niya. O mas tamang sabihin ko ang galit niya. Habang yakap yakap ko siya.

"Sorry. Sorry My Alexander."hayon na naman ang paghingi ko ng tawad sa kanya ng paulit ulit at mas nadagdagan pa sa nalaman ko. Lalo na ng sabihin niya kung gaano niya akong gustong paghigantian dahil sa ginawa ko sa kanya. Iyon gusto niya talaga akong patayin dahil sinira ko ang buhay niya.

Tama! Kasalanan ko ang lahat. Deserve ko ang pagpaparusa niya kong malalaman niyang ako ang sinasabi niyang demonyong humalay sa kanya limang taon na ang nakakaraan.

Parang ako mismo ay gusto kong magwala ngayon. Limang taon. Limang taon na dinala niya ang galit sa akin. Dahil nakikita niya kay Zander ang kahayupan ko. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na muli siyang tanungin about Zander. About our baby.

Yes, Zander is mine. Sa akin ito nanggaling. Nabuo ito dahil sa kahayupang ginawa ko kay Alexander.

"Walang kasalanan si Zander sa kahayupang ginagawa sa akin ng ama niya."iyon ang sagot niya kaya muli ko siyang niyakap pero nandoon na mismo ang galit ko sa sarili ko.

Hindi ko naman lubos maisip na pwede siyang magdala ng bata. Na pwede siyang magbuntis. Kaya siya lumayo sa kanila dahil doon. At ayaw niyang malaman ng iba ang kalagayan niya sa lugar nila. At nagtago siya ng siyam na buwan. Dahil dinala niya ang anak ko ng siyam na buwan sa sinapupunan niya.

"Sorry! Sorry My Alexander."iyon na lang ang tangi kong nababanggit sa kanya. Wala akong maapuhap na ibang sasabihin kundi ang paghingi ng tawag. Alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko. Pero gagawa ako ng paraan para mapatawad niya ako.

Limang taon ang nasayang dahil sa lintik kong ama. Kung hindi niya sa akin itinurok ang ginawa niyang gamot ay nagawan ko ng paraan ng mas maaga na mapatawad niya ako. At kung hindi ginawa sa akin iyon ng aking ama ay baka kasama pa ako ni Alexander na nagpalaki kay Zander. Na kasama niya ako habang dinadala pa lamang niya ito sa sinapupunan niya. At sana ngayon ay wala na akong problema.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now