#¹⁹: Alex

7.7K 395 27
                                    

"You may now kiss your husband." Hudyat ng judge na nagkasal sa amin dahilan para magtitigan kami ni Magnus ng humarap kami sa isa't isa.

Ang bilis ng araw.

Parang kailan lang ng magkakilala kami. Mangulit siya sa panliligaw sa akin hanggang sa sagutin ko siya. At ngayon. We are already married. Just only one kiss to seal our marriage.

Sa mga araw na nagdaan simula ng naging kami ay ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Sa amin ng anak ko. Kahit hindi niya ito tunay na anak ay nandoon ang pag aalaga, pagmamahal kay Zander na para bang galing talaga ito sa kanya. Kaya naman hindi ko mapigilan ang damdamin ko na lalong umusbong ang pagmamahal sa kanya.

Oo! Aaminin ko. Naging kami na nga pero nandoon parin ang takot sa puso ko dahil sa nangyari sa akin noon kaya naman hindi ko parin talaga ibinaba ang harang na ipinalibot ko sa akin. Limitado parin ang mga kilos ko kapag kasama siya. Pero dahil narin sa pagpapakita niya ng sobrang pagkasweet sa akin ay unti unti na ding natitibag ang harang na ginawa ko para sa pagkatao ko. Sana nga maging tuloy tuloy na ang kaligayang nararamdaman ko sa piling niya. At sana makalimutan ko na ng tuluyan ang bangungot sa aking nakaraan.

"Sweetheart." Tawag pansin niya sa akin. Hindi ko alam kong ilang minuto ako nakatulala dahil sa biglang naisip ko. Kumurap pa ako at muling tumitig sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at masuyong humaplos ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. Hanggang sa ibaba niya ang isa at ilagay iyon sa baywang ko.

"Kiss. Kiss. Kiss." Iyon ang sigaw ng mga dumalo sa kasal namin kaya napalingon kami pareho bago muling tumingin sa isa't isa.

"They are waiting for the kiss sweetheart." Muli niyang sabi sa akin.

Ngumiti na lang ako saka ko sinabayan ng pagtango upang maging hudyat para tawirin niya ang pagitan ng mga labi namin.

"I love you sweetheart. Till death do as part." Bulong pa niya.

Sa paglapit niya sa akin ay siya namang pagpikit ng kusa ng mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na ang paglapat ng mga labi niya sa akin.

Sa una dampi lang. Pero ng nagtagal ay mas pinalalim niya ang paghalik at kumilos ang mga labi niya kasama ang dila na nagsusumiksik sa nakapinid kong mga labi at pinaghiwalay ang mga iyon.

"Uhm."isang mahinang ungol ang pinakawalan ko ng nakapasok na ang dila niya sa loob ng bibig ko at nilalasaan ang kung anong mayroon sa loob.

Isang masagabong palakpakan naman ang namayani sa loob ng simbahan na nakapagpahiwalay sa amin. Ramdam ko pa ang pag iinit ng mukha ko dahil sa init ng ng naging halikan namin na tinugon ko din kung gaano kapangahas ang naging halik niya.

Nakalimutan ko tuloy na nasa loob palang kami ng simbahan at may mga taong nanunuod sa amin at sumaksi sa kasal namin.

"I pronounce you two Mr.'s Mondragon." Muli silang nagpalakpakan ng humarap kami sa kanila.

Sina mama at papa. Si Xydel, at Farrah. At ang anak ko. Ang mama niya, ang mga kapatid at ilang mga kaibigang bisita ng mama niya na naging saksi sa kasal namin na ngayon ay mga ngiti sa mga labing nakatunghay sila sa amin.

Humawak siya sa baywang ko at iginiya ng bumaba ng altar palapit sa mga bisita namin.

"Papa, daddy." Si Zander na bumaba sa pagkakakarga kay mama at nagpakarga kay Magnus na nakangiti naman niyang kinarga ito.

"Are you happy for us baby?"tanong pa niya dito. "We are now legally family baby."

"Yes papa. I'm happy for you and daddy." Nakangiti naman nitong sagot dito at humalik pa sa pisngi nito saka ako binalingan. Lumapit na din ako ng iangat niya ang kamay para sa akin at hinalikan din ako nito sa pisngi.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now