#³⁴: Alex

6.6K 375 88
                                    

Dalawang buwan na mula ng umalis kami sa bahay niya at ngayon, tatlong buwan na din ang bata na nasa sinapupunan ko.  At sa unang buwan na pag alis namin sa bahay ni Magnus ay hindi siya pinatapak ng mama, ni papa na kahit sina Farrah at Xydel dito sa bahay. Pero nitong pangalawang buwan na ay hinayaan na nilang makalapit at makapunta siya dito sa bahay na siyang ikinais ko sa kanilang lahat. Bakit nila hinahayaang tumapak siya sa bahay.

Inaway ko pa sina mama dahil doon pero hindi nila ako pinakinggan at hinayaan lang siya ng mga ito na piliting lapitan ako pero bago pa man na makalapit sa akin ay sinisigurado ko ng nakasarado na ang pintuan ng kwarto ko at wala ni sino man sa kanila ang makakapasok. Kahit pa si Zander na palagi akong kinakatok sa tuwing darating si Magnus at may dalang mga bulaklak at mga prutas.

Hindi niya ako madadaan sa pabulabulaklak niya. Hindi mabubura ng mga prutas na dala niya ang katutuhanan. Dahil siya ang lalaking isinumpa ko ng higit limang taon. At ngayon, hindi ko siya basta basta napapatawad kung iyan ang inaakala niya. Hindi ako papatalo sa nararamdaman ko. Sa pagmamahal ko sa kanya. Oo, mahal ko siya. At dahil doon ay iyon ang nagtutulak sa akin na kalimutan ang lahat. At ibaon sa limot ang nakaraan. But... no.. kailangan niyang maghirap. Kailangang magbayad parin siya kahit mahal ko siya. Kaya pahihirapan ko siya. Kung mahal niya ako, masasaktan siya kapag patuloy ko siyang lalayuan. At kung hindi ko siya mapasakitan sa physical, papasakitan ko naman siya sa emosyonal na paraan.

"Daddy ayaw mo ba talagang sumama?" Tanong ng anak ko. Nagbibihis na ito ngayon dahil family bonding sana namin. Sina mama, Farrah at Xydel kasama ang anak ko. At sana kasama din ako pero tinatamad ako.

"Kayo na lang Zan. Wala ako sa mood." Tanging sagot ko na lang dito dahil iyon naman ang totoo.

Lumapit ito sa akin at gaya ng ginagawa niya humaplos na naman ito sa tiyan ko.

"Baby Brother, masyado mo na yatang pinapahirapan ang daddy natin. I said be good. Pero hindi ka nakikinig." Seryusong kausap nito sa tiyan ko. Hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko dahil sa ginagawa ng anak ko. Na ta-touch ako sa pagiging mabuting anak ng anak ko.

"Just go Zan. Kanina pa naghihintay sina mama sa baba." Sabi ko dito saka masuyong sinuklay ang buhok niya gamit ng daliri ko. "Huwag kang maglilikot at huwag kang lalayo kina mama okay." Paalala ko pa dito.

"Yes daddy. Huwag kang mag alala. Magpapakabait po ako."

"Okay. Sige na. Go." At magkaagapay na nga kaming bumaba. Muli man nila akong niyayang sumama ay parehas parin ang naging sagot ko. Tumanggi parin ako sa kanila. Kaya naman naiwan akong mag isa ng bahay.

Ang una kung ginawa ng mag isa na ako ay tinungo ko ang kusina. Maghahapon na naman kasi kaya gutom na ako. Saka nandoon na naman ang pakiramdam ko na inaantok. Hindi naman sa umaga ako sinusumpong ng paglilihi ko pero kapag tumongtong na ang alas tres ng hapon doon ko na nararamdaman ang pagkahilo ko. At ang pag kaantok ko. At nandoon ang pag uumigting ng pakiramdam ko na gusto kong maamoy si Magnus. Dahil siya talaga ang pinaglilihian ko. Pero pinipilit ko ang sarili ko na ibaling sa iba ang pansin ko. At pinapahirapan man ako ng paglilihi ko ay kinakaya ko. Pasasaan bat mawawala na at matatapos na ang buwan ng paglilihi ko.

Pero naisip ko, paano kung abutin pa hanggang sa manganak ako ay patuloy ako sa paglilihi, dahil mayroong ganun. Saka lang mawawala ang paglilihi kapag nanganak na ang isang buntis. Pero iba naman siguro sa akin. Dahil hindi naman ako babae.

Huh! Ewan ko. Saka ko na lang iisipin ang bagay na iyan. Ang mahalaga ay makakain muna ako bago matulog. Kasi parang hinihila ako ng kama at gusto ko ng mahiga.

Ng nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng mga prutas na dala ni Magnus kahapon ay nakarinig ako ng doorbell kaya naman lumingon ako. Kita sa bintana ng kusina ang gate ng bahay kaya nakita ko kung sino iyon. Si Magnus.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now