#¹¹: Magnus

11.2K 502 134
                                    

"Ito na ang resulta ng pinainbistiga mo Magnus." Inabot sa akin ni Angel ang may kakapalang brown invelope.

"Salamat Angel. Bumalik ka na sa ni re‐research mo."sabi ko ng makuha ko sa kanya iyon. Agad namang iton bumalik ng research room ko.

Kaya naman ng wala na ito sa paningin ko ay napatingin ako sa envelope na hawak ko. At sinimulang basahin iyon. May ibat ibang larawan na kuha ni Alexamder. At ni Zander.

Nakasaad sa mga papel kung kailan umalis sa dating lugar sina Alexander. Kung kailan isang buwan matapos ko siyang magahasa. At nakasaad na sa isang buwan na iyon ay wala ng nakakita sa kanya na lumabas ng bahay nila at tanging mga magulang na lang at kapatid ang nakakakita sa kanya.

Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko. Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya. Dahil nademonyo na ako ng araw na iyon at hindi naisip na mahirap tanggapin ang kahayupang ginawa ko. Kaya heto ako ngayon inaalam pa ang ibang detalye sa kanya. At kung paano ko unti unting sabihin sa kanya na ako ang lalaki sa nakaraan niya. Hindi niya ako mamumukhaan dahil madilim noon. Pero dahil sa night vision sa lenses na suot ko nuon ay kitang kita ko ang maganda niyang mukha. At kung boses naman ang pagbabasehan, mas lumalim ang boses ko kaysa noon.

Kaya walang palatandaan dito na nakikilala nga niya ako. Gagawa na lang ako ng paraan para kuhain ang loob niya. Iyong tipong hindi na siya magagalit sa akin kapag nagtapat ako. Dahil mapapaibig ko na siya sa akin. Tama! Iyon na lang ang gagawin ko sa ngayon. Ang kuhain ang buong tiwala niya, buong puso at buong pagkatao niya. Para tuluyan nansiyang maging akin.

Muli kong itinuon ang pansin ko sa binabasa ko hanggang sa makita ko ang birth certificate ni Zander.

Pero sa ibang detalyeng nakasaad ay walang nagsasabi na link siya sa isang babae ng mga panahong umalis sila sa dating lugar nila. Pero hindi ako doon naintriga kundi mismo sa birth certificate ng anak niya.

Nakasaad doon na ang nakalagay na mga magulang ni Zander ay ang mismong mga magulang ni Alexander. At ang mismong nagpaanak ay ang kanyang ama.

"Angel."malakas na tawag ko dito na agad namang lumapit sa akin.

"Bakit Magnus?"

"Paanong nangyaring anak ni Alexander si Zander gayong ang mga magulang niya ang nakasaad na mga magulang ng bata. At sino ang ina ni Zander? Hindi mo ba nakuha ang ditalyeng iyon?"tanong ko sa kanya.

"Ginawa na ng lahat ng makakaya ng inutusan ko Magnus at iyan lang mismo ang nakalap nilang impormasyon. At sa ina ng bata ay isa ding malaking palaisipan dahil walang makakapagsabi kung sino siya maliban mismo sa mga magulang at dalawa niyang kapatid na nakakaalam kung sino nga ba ito. Pwede din nating tanungin ang kaibigan niyang si Jace. Pero sigurado akong kapag may nagtanong dito ay malamang malalaman ni Alexander na may nagpapa invistiga sa kanya." mahabang paliwanag nito.

"Pero kung anak ni Alexander si Zander. Bakit hindi siya ang nakalagay na ama nito?"

"Siguro dahil sa murang idad nito bilang isang batang ama ng maisilang ang bata Magnus. Isa na iyon sa nakikinita kong dahilan."

"Pero ang gusto kong malaman ay sino ang ina ni Zander. Sa hospital ba? Wala man lang ba kayong nakalap na impormasyon kung saan ipinanganak ito?" Muli kong tanong dito.

"Hindi sa hospital kundi sa Clinic mismo ng ama niya inoperahan at ipinanganak ang bata kaya naman walang ibang impormasyon na nakukuha. Pero hinala ko talaga na talagang sadyang itinatago nila kung sino ang ina ng bata. Na pinaghandaan nila ang araw ng pagsilang kaya walang nakakaalam niyon maliban sa kanila."

"Damn! This is useless. Wala man lang ba nakakita sa mga kabit bahay nila sa babaeng iyon? Hindi man lang ito ba lumalabas noon sa bahay nila?"

"Mayroon naman daw nakakakita na lumalabas ang babae ng buntis pa ito pero lagi daw may tapik ang mukha. Naka mask ang bibig at lagi daw nakasupt ng sunglass sa tuwing lumalabas ito na kasama nga ang kaibigan ni Alexander na si Jace."

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz