#⁴³: Magnus

7K 358 28
                                    

"Ayos lang ba sayo na matulog dito?" Tanong ko sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga sa kama.

"Mmmm,." At nagsumiksik na naman siya sa katawan ko at mahigpit na yumakap. "Nandito ka naman sa tabi ko. Saka alam mo naman na madali akong dalawin ng antok." Sagot niya sa akin.

"Sige, matulog ka na muna. At mamaya lang kapag nagsawa na si Zander sa pakikipagbonding kay papa ay uuwi din tayo." Sabi ko sa kanya. Tango na lang ang isinagot niya sa akin.

Gustuhin man nila na manatili muna dito dahil tatlong biyahe din ang oras mula dito hanggang sa bahay ay hindi ako mapapakali na matulog sa bahay ng papa. Hindi sa ngayon, dahil hindi buo ang tiwala ko sa kanya sa ipinapakita nitong pagbabago ngayon.

Oo naman, napapansin ko ang malaking pagbabago niya. Ang bahay ay naging maaliwalas at hindi na mukhang haunted house gaya ng huling punta namin dito ng kunin si Zander sa kanya. At ang mahaba nitong buhok ay napagupitan na niya at para itong bumata ng salawampong taon sa ayos nito ngayon kaysa noon. At tama si Alexander, ang mga kasama ni papa dito na dati ay walang kabuhay buhay ang mga mata kung tumingin ay nagkaroon na ng kislap ang mga iyon.

Pero hindi sapat ang mga iyon para magtiwala ako. Hindi ko alam ang takbo ng utak niya. Ang tumatakbo sa utak niya. Paano kung sa pagkalingat ko pala at pinabayaan siya ay gumawa na naman ito ng hindi dapat. Paano na lang kung nalingat ako at gawan niya ng masama ang mag iina ko. Kaya hindi dapat ako makampante. Dapat alerto lang ako. Nasa teretoryo niya kami, kaya kailangan kong mabuti.

"Tulog ka na ba?" Masuyong tanong ko sa kanya pero wala na siyang naging sagot sa akin. Napangiti na lang ako dahil himbing na siya agad sa pagkakatulog. He is so vulnerable kapag ganitong tulog siya. Na para bang batang sanggol lang na walang kamuwang muwang. "I love you my Alexander." Bulong ko na lang at masuyong hinalikan siya sa nuo at maingat na inalis ang kamay ko na inunanan niya. Hindi na nga siya nagising pa. Ayaw ko siyang iwan, pero kailangan ko din makita ang anak ko na ngayon ay kasama ni papa. Baka mamaya may kung ano na palang ginagawa ito sa anak ko ng hindi ko namamalayan.

Muli ko siyang niyuko at dinampian ng halik sa labi. Inayus ang kumot niya bago ko siya tuluyang iniwan at lumabas ng silid.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nakasalubong ko na ang papa. Hindi kasama si Zander kaya agad ko itong nilapitan

"Nasaan ang anak ko?" May kung anong pag aalala na tanong ko dito. Baka kung ano ng ginawa niya sa anak ko.

"Masyado ka naman nag aalala sa apo mo. Saka, wala akong masamang balak sa kanya kaya pwede ba hindi mo kailangan ipakita ang ganyang tingin sa akin na para bang may nagawa na akong masama sa kanya." Seryusong sagot nito sa akin.

"Kung wala kang balak na masama nasaan ang anak ko? Ikaw lang ang kasama niya kanina." Hindi ko na naman mapigilan ang magalit dito. Buti sana kung hindi tumatakbo sa utak ko ang minsan na niyangvsinabi na tuturukan ang anak ko ng gamot gaya ng itinurok niya sa akin noon para makalimitan ko ang ilang alala ko.

"Sabi ko sayo hindi mo ako dapat tignan ng ganyan." Kalmante lang na sagot nito sa akin. "Nakatulog siya matapos kaming magbasa at turuan ng ilang kaunting bagay sa mga ginagawa ko. Kaya pwede ba Magnis, huwag mong dadagdagan ng ibang kahulugan ang bawat ginagawa ko." May galit na sagot din nito. "Kung ayaw mo akong pagkatiwalaan dahil sa mga ginawa ko sa inyo ng mga kapatid at mama mo. Dahil iniwan ko kayo at lumaki kayo ng wala ang pangangalaga ko. At mas inuna ko ang pangarap ko kaysa sa inyo. Pero hindi dahilan iyon para isipin mong sa bawat pagbabagong ginagawa ko ay isa lamang pagpapaggap. Dahil totoo lahat ng mga ito." Mahabang lintaya niya saka niya ako tinalikuran at binagtas na ang hagdaan paakyat pa sa ikatlong palapag ng bahay niya.

Ewan ko kung ano ang gagawin ko. Susundan ko ba siya at makipagbangayan ulit. Isumbat sa kanya ang ang lahat ng pagkukulang niya sa amin? O pupuntahan ko muna ang anak ko na sinabi niyang nakatulog na. Baka kasi hindi lang basta nakatulog ito at may ginawa siyang kakaiba sa anak ko.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon