#⁴: Alex

13.5K 626 48
                                    

Dedicated to Xiumin99_Chen21

*****
Dahil sa endless vote niya sa
My Beautifull Husband
*****



"Lex, tama na iyan. Baka maabutan ka ng anak mo na umiiyak na naman. Ano bang nangyari?"nahimigan ko ang pag aalala ng mama sa akin ng katukin niya ako mula sa labas ng silid ko.

May isang oras na yata akong umiiyak kaya siguro ito nag alala.

"Pabayaan niyo na muna ako mama." Pahikbi kong sagot kay mama at pilit na pinipigil na huwag ng tumulo ang luha ko. "Gusto ko munang mapag isa. At kung maaari pakisundo na lang si Zan sa kabila mamaya. At huwag niyong sabihin sa kanya ang pag iyak ko."

Hindi ko man nakikita ang mama ay alam kong napabuntong hininga ito.

"Sige, pero ayusin mo ang sarili mo. Alam mo naman kung paano mapagmasid ang anak mo. Sinabi naman namin sayo. Na kapag may problema ka. Sabihin mo lang sa amin. Nandito lang kami para sayo anak."

"Yes mama, huwag niyo po akong alalahanin. Mamaya ay maayos ayos na ako." Sagot ko. Hindi na ito nagsalita at maya maya pa ay narinig ko na ang yabag nitong palayo.

Hindi ko ba pwedeng kalimutan na lang? Pero paano? Hindi ko naman gusto na manatili akong nabubuhay sa nakaraan ko. Akala ko sa tagal ng panahon na iyon na lumipas ay mawawala na ang epekto non sa akin. Pero bakit nasasaktan parin ako. Bakit hinahabol parin ako ng pagnanasang maghiganti sa taong iyon?

Humugot ako ng malalim na hangin at pilit kong kinalma ang sarili ko . Inayos ang sarili ko at tinungo ko ang banyo at naghilamos para mawala ang namamagang luha na sa pisngi ko.

Tumingin ako sa salamin habang ang mga kamay ko ay nakadantay sa gilid ng lababo. Kasalanan ba ng mukhang mayroon ako kung bakit ko pinagdaanan ang bangungot na iyon? Makikilala ba ako ng demonyong iyon kapag nag cross ang mga landas namin?

Ewan! Malamang oo, pwede ding hindi kung marami pa siyang nabiktimang gaya ko at hindi na ako mamukhaan. Kung marami pa siyang ginahasa gaya ko. At ang isipin iyon na marami pang buhay ang sinira niya ay lalong nagpakulo ng dugo ko. Kung ganun man, mag cross lang ang landas namin ako ang puputol ng kademonyuhan niya. Ako ang magbubura sa kanya sa mundong ito.

Siguro nga wala akong laban sa pisikal na lakas dahil noon pa man ay ramdam ko na malakas siya at mas hinubog pa siguro ang lakas niya sa mga taon na nagdaan. Pero hindi basihan iyon na kung mag cross ang landas namin ay hindi ko kayang maghiganti.

Ngayon tama na muna ang drama sa buhay ko. At tama si mama. Hindi dapat ako makita ng anak ko na umiiyak at binabalikan ang nakaraan ko. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na nasasaktan parin ako sa dahil sa talas ng pag iisip nito ay madalas nitong sabihin na sana hindi na lang siya nabuhay sa mundong ito dahil pakiramdam daw niya ay siya ang dahilan ng paulit ulit na pagbabaliktanaw ko sa nakaraan dahil sa kanya ko daw nakikita ang bangungot na iyon sa pagkatao ko.

Ang tanging ginagawa ko na lang ay niyayakap ito ng mahigpit at sinasabihang wala siyang kasalanan. Dahil kung masama man ang naging karanasan ko noong kabataan ko ay may maganda namang biyayang ipinalit iyon. At siya bilang kapalit ng bangungot na iyon.

"Lex, sinabi ni mama na hindi daw niya masusundo si Zander sa kabila. Gusto ko man ay busy ako, kailangan kong maghabol ng papers ko na dedline na bukas sa work ko. Wala naman si Xydel para utusang kunin siya. Kaya mo ba?" Tanong ni Farrah na nasa tuno din ang pag aalala sa akin at sinabayan din ng katok sa pinto.

"Sige, lalabas na ako." pasigaw na sagot ko para marinig niya ako na nasa banyo. Naglalagay na kasi m ako ng cream sa paligid ng mata ko para hindi pansin ang pamumugto ng mga iyon.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now