#¹⁷: Alex

8.6K 424 30
                                    

"Good morning sweetheart." Nakangiting sumalubong sa akin si Magnus. Ito ang unang araw namin bilang kami. And I feel wierd. No! I mean, kakaiba ang aura niya kumpara sa dati.

Napakaaliwalas ng mukha niya, kumikinang ang kislap ng mga mata. O sadyang namamalikmata lamang ako at kung ano ano na ang nakikita ko?

"Morning."sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin saka niya ipinulupot ang braso sa baywang ko. "Hey! Bitawan mo ako. Umagang umaga nanlalandi ka." Sita ko pero hindi ko naman nilakasan ang pagtulak ko sa dibdib niya.

"At least ikaw ang nilalandi ko at hindi ibang tao." Paglalambing pa niya saka isinubsob ang mukha sa balikat ko at pinanggigilang amuyin kaya naman nakaramdam ako ng kiliti at bahagyan ko siyang itinulak.

"Ano ba! Nakikiliti ako. Pwede ba tumigil ka na. Baka may makakita sa atin." Sabi ko sa kanya saka ko kinakalas ang braso niyang nakapulupot parin sa baywang ko pero mas hinigpitan niya iyon at mas pinaglapit ang katawan namin kaya naman ramdam na ramdam ko ang init na lumalabas sa katawan niya. Hindi lang iyon. Ramdam ko din ang bagay na iyon sa gitna niya at bahagyang pagkibot niyon.

"I love you sweetheart."

"I love you too, but please let me go." Muli kong utos sa kanya.

Ngumiti siya saka tumango. Bago pa man niya ako pakawalan ay mabilis na dinampian niya ako ng halik sa labi.

"Where is Zander?" Pagkuway tanong niya.

"I'm here." Mabilis naman na sagot ng anak ko na siyang dahilan para mapapiksi kami pareho dahil nasa likuran ko lang pala siya. "Kanina pa ako dito daddy, but I give papa Magnus a time to great you." Dagdag pa nito.

"At kailan ka pa natutong magbigay ng time para doon. Iyan ba natututonan mo sa school?"tanong ko pa.

"Nope. But I learn it with my own."sagot niya saka niya kami nginitian. "Lets go. Mali-late na tayo." Aya na nito sa amin na parang matanda lang kung magsalita. Nauna na itong sumakay ng kotse.

"Matatagalan mo ba ang anak ko sa ganyan niyang ugali?"pagkuway tanong ko sa kanya ng magkatinginan kami.

"Of course at sabi ko naman sayo. Anak natin diba. NATIN." Pang uulit niya sa salitang natin. At talagang ipinagdiinan pa talaga.

"Whatever! Siya nga pala. Sila na ba ang itinalaga mong magbabantay kay Zander?"tanong ko na naman ng mapatingin ako sa harapan ng bahay niya sa kabilang kalsada na nakatingin din sa amin.

May apat na lalaking nakauniform ng itim at saka itim na kotse at dalawang itim na big bike.

"Hindi ba kalabisan na apat ang magbabantay sa kanya? Over naman yata."

"Nope! Sa katunayan kulang pa iyan. Naninigurado lang ako dahil ayaw kong may masamang mangyari sa anak natin."

"Ikaw ang bahala. Pero may alam ka na ba sa nagpadala sa akin ng recorder?" tanong ko muli sa kanya.

"Wala pa. Inaalam ko pa lang."

"Daddy, papa. Let's go."tawag pansin naman ng anak ko ng mainip na yata sa paghihintay.

"Coming baby."siya ang sumagot saka niya ako muling tinignan at hinawakan sa kamay. "Lets go sweetheart. Our baby, can't wait anymore."

Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at siya na din ang nagsara. Hanggang sa tuluyan na nga kaming umalis para makapasok na sa kanya kanya naming klase.

"Remember what we told you baby." Si Magnus ng ihatid namin mismo sa may gate ng eskwelahan ang anak ko.

"Opo papa. Huwag po kayong mag alala. Don't talk to strangers. At saka po nandiyan naman po ang mga initusan niyong titingin sa akin. So don't worry too much papa."

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon