#²⁶: Alex

7.3K 365 79
                                    

"Nasaan po ang mga magulang niyo ni Zander Mr. Rodriquiz?" Tanong sa akin ng guro ni Zander ng dumalo kami sa family gathering ng paaralan nila.

Nagkatinginan kami ni Magnus dahil sa tanong nito. Nakalagay kasi sa birth certificate ng anak ko na ang mama at papa ang mga magulang nito. Pero sabi ni Magnus nilalakad na niya ang mga papel para maipangalan na sa amin ang sarili kong anak.

"Kailangan po ba talaga ng mga magulang namin para kay Zander?" Tanong ko dito. "Kung pwede naman po kami." Sabay turo kay Magnus.

"Maari naman na hindi na kailangan, but for our activity, we need a mother who can help their children para sa mga laro natin. Maliban na lang kung ikaw ang magiging mama nito at ang kasama mo ngayon ay ang magiging papa ng kapatid mo." Mahabang sabi naman nito sa akin. "Pero Mr. Rodriguiz, baka kasi iba ang isipin ng ibang mga magulang kapag ginawa niyo iyon. Alam mo naman sa atin na iba na mag isip ang mga tao ngayon. Alam mo ang ibig kong sabihin."dagdag pa nito. Na para bang pati ito ay ganun na ang iniisip. Pero totoo naman kung sakali man.

"Thats okay! He is the mother and I am the father. No more buts." Si Magnus na ang sumagot dito. Pero ang hindi ko napansin ay ang papel na hawak nito na ibinigay sa guro ng anak ko. "We have the papers that we are his parent. So sapat na ba ito para makasali kami sa family gathering na ito? Kung hindi naman, we can leave now. At ililipat na din namin ang anak ko ng eskwelahan kung hindi siya tanggap dito na kami ang mga magulang niya." Mahabang paliwanag nito sa seryusong tinig. Kailan pa niya nakuha ang certificate na iyon ng anak ko. Kinuha ko iyon sa kanya at ako na ang unang nagbasa. Nakalagay na nga dito na ako ang nagsilang sa kanya. At siya bilang ama nito. Nakasaad doon ang iba pang detalye na nagsasabing kami na ang mga magulang ng anak ko.

"Kailan mo pa ito nakuha?"tanong ko sa kanya na hindi ko na pinansin ang naguguluhang tingin sa amin ng guro ng anak ko.

"Kahapon lang ng umaga. Ipinadala mismo iyan sa AU. Kaso hindi ko na naipakita sayo dahil sa hindi natin pagkakaunawaan."sagot niya sa akin saka niya binalingan ang guro. "So can we join the family gathering now?" Muli niyang tanong dito sa seryusong tanong.

"Remember that I am the teacher here." May kung ano namang parang pagmamataas nito kay Magnus. "Kaya naman po sana galangin din niyo ako. At kailangan ko ng totoong mga magulang ng mga estudyante ko." Sabi pa nito pero ngumiti lang si Magnus sa kanya.

"Sorry teacher hindi naman sa binabastos kita. Pero para mo na ring sinabi na peke ang birth certificate ng anak ko at hindi ako ang tunay na ama. And if you want to know teacher. I also do teaching. By the way, this is my license card na isa akong teacher. And a chemistry teacher in any major in college." Walang kagatol gatol na sabi niya dito at binigyan niya nga ito ng card. "And if you in pain. You can also call me. I'm Doctor Magnus Mondragon a surgeon and physician. And if you want something to know about science and do some research. You can also call me. Isa din akong scientist." Sabi pa nito na may ngiti sa labi at inilalabas lahat ang license card. "And this is my calling card teacher." Sabi pa niya at inabot dito ang isang calling card. "So can we join now the family gathering , teacher?" At talagang diniinan niya ang salitang teacher.

Tango na lang ang tanging naisagot nito na may mahinang Oo.

"Sige, kayo na ang bahala. Tumuloy na kayo ngayon sa function hall kung saan gaganapin ang family gathering." Sabi na lang nito ng makabawi sa pagkalito at pagkapahiya na rin na hindi na nagawang tumingin ng deretso sa kanya. At nauna nang naglakad sa amin papasok.

Ng nakatalikod na ito sa amin ay siniko ko ito.

"What have you done Magnus." Pabulong na paninita ko sa kanya.

"She provoked me first na para bang ginagamit pa ang pagkaguro niya sa atin. At iyon ang hindi ko mapapayagan. Ayaw ko man sana siyang patulan pero kinanti niya ang katutuhanan na anak natin si Zander. Tapos sasabihin niyang isa siyang guro." Pabulong din na sagot niya sa akin. "Hindi siya bagay maging guro sa pag uugali niyang ganun."

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now