#³²: Alex

6.1K 371 47
                                    

Para akong mababaliw. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon ngayon. Gusto kong magwala, gusto ko na namang sumigaw ng pagkalakas lakas at magwala gaya ng pagwawala ko noong nalaman ko na buntis ako dahil sa panlilinlang niya sa akin.

Pero iba ang ngayon. Iba ang pakiramdam ko ngayon na gusto kong magwala hanggang sa gumunaw ang buong bahay niya. Pero hindi ko naman magawa. Nanginginig ang laman ko sa tinitimpi kong galit ngayon. Nag uumigting ang galit ko sa kanya sa mga nalaman ko.

Oo, si Magnus ang lalaking iyon. Siya ang walang hiyang gumahasa sa akin. Gusto kong umiyak, gusto ko siyang pagmumurahin. Gusto ko siyang pagsusuntukin. Higit sa lahat, gusto ko siyang patayin.

Pero bakit? Bakit hindi ko kaya? Akala ko, kapag nakilala ko ang taong iyon ay ganun na lang kadali ang mga gusto kong gawin. Ganun lang kadali ang kumitil ng buhay. Pero hindi eh. Hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman ko na si Magnus mismo ang lalaking iyon.

Siguro kung ibang tao iyon ay kaya kong gawin ang mga naiisip ko. Kaya kung isakatuparan ang matagal ko ng plano. Plano na sa oras na makita ko ang lalaking hayop na gumahasa akin ay papatayin ko. Pero... pero... pero si Magnus ang lalaking iyon. Si Magnus ang lalaking gumahasa sa akin at sumira ng buhay ko. Si Magnus ang naging dahilan na nakaramdam ako ng walang hanggang pagkapuot sa puso ko. At ang katutuhanang si Magnus na asawa ko, na minahal ko, na pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko, ng buong puso at kaluluwa, na ang akala ko siya ang aahon sa akin sa nakaraan ko pero hindi pala, dahil si Magnus mismo ang muling sumira ng lahat ng iyon. Na minsan na niyang pinabagsak ang pagkatao ko, at minsan ng nagpalimot ng nakaraan ko at nag angat sa akin sa pagkakalugmok ko. Pero siya din pala ang muling wawasak ng pagbabago ko.

Yes, I heard everything, ng bumalik ako sa bahay para sana sa naiwan kong gamit ko pero hindi ko inasahan ang dadatnan ko. Nakita ko kung paano isampal ni papa sa kanya ang papel na hawak nito na nakaupo sa sahig. Ewan ko lang kung bakit siya nakaupo sa sahig kanina. Malamang nga, sinuntok ito ni papa.

Dadaluhan ko sana siya ng magsalita ang papa. At doon ko narinig ang lahat. Kung paano? At kung ano ang totoong nangyari. Ang mga paliwanag niya kay papa at sa mama. At kung balit limang taon pa ang lumipas bago siya nagpakita.

Hindi ko alam kong maniniwala ako sa paliwanag niya sa papa. Na dahil nawala siya ng limang taon ay dahil sa papa niya. Sa gamot na itinurok sa kanya. Marahil nga totoo ang mga iyon, ramdam ko ang pag sisisi niya. Ramdam ko ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya kanina. Pero hindi maitatago niyon na siya parin ang lalaking kinamuhian ko ng limang taon. Siya ang lalaking isinumpa ko ng limang taon. Siya ang lalaking pinangakuan ko sa sarili ko na kapag nakita ko ay papatayin ko. Oo, siya lahat iyon. Siya ay siya. Ang lalaking iyon at si Magnus ay iisa.

Damn it!

Hindi na lang ako nagpahalata kanina. Ng agad akong umalis at sinabiha ang mga guard sa labas na huwag sasabihin kay Magnus na dumating ako na agad namang sumagot ng oo, at agad akong bumalik ng AU kahit kailangang kailangan ko ang dapat na kukunin ko dito sa bahay.

Habang nag te test kami ay halos hindi na pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko. O tama pa ba ang naging sagot ko dahil binalot na ng pagkalito at pagkapuot ang isip ko at buong pagkatao ko. Hanggang sa sunduin niya ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko ipakita sa kanya. Natural lang ba o supalpalin ko na lang siya ng hindi matapos tapos na masasamang salita. Pero mas pinili ko ang manahimik. Mas pinili ko na  huwag ipaalam sa kanya na alam ko ang lahat ng inililihim niya. Ngayong alam ko na, ano pa ba ang mga lihim niya na dapat ko pang malaman. Mayroon pa ba siyang lihim na mas hihigit pa sa lihim niya ngayon. Kung mayroon pa man, hindi na mahalaga iyon sa akin. Ang katutuhanang nalaman ko ay sapat na sapat na para bumalik ang pagkamuhi ko sa kanya na minsan ng nawala ng nagpaubaya ako sa kanya. Pero ngayon, nagising na lang iyon na akala ko ay nakalimutan ko na ng tuluyan.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now