#⁸: Alex

11.3K 524 33
                                    

Nakatingin ako sa kanya habang pormal na nagsasalita sa harapan habang nakikinig naman kami sa kanya.

Oo! Nasa klase niya ako ngayon. Pero ang bwesit na Magnus na ito, este Prof. Magnus hindi niya itinatago na sa akin talaga siya nakatingin. Tumitingin naman siya sa bawat estudyante pero iba iyon sa tuwing titingin siya sa gawi ko dahil talagang nagtatagal itong nakatitig sa akin habang patuloy ito sa pagtuturo. Kaya naman hindi nakaligtas sa mga ka klase ko ang mga tingin niyang iyom at napapatingin din sila sa gawi ko. At hindi lang iyon. Isinama pa niya ang anak ko sa loob ng klase namin. Mabuti na lang at tahimik na nakikinig din ito sa kanya. Panaka nakang tumitingin din ito sa akin. Kabilin bilinan kasi niya sa anak ko na hindi dapat malaman ng ka klase ko na ako ang daddy niya. Sabihin na lang daw na siya ang papa niya, not to mention if who is his mother. Of course ako diba. Hayst. Mabuti na lang talaga at marunong makisama ang anak ko. Dahil kung hindi naku! Malilintikan talaga sa akin ang Magnus na ito.

Hanggang sa magtanong ito about sa mga itinuro niya sa amin at magbigay ng special quiz para sa amin. Hanggang sa nagtatawag ito kung sino ang pweding sumagot ng formula ng tanong na isinulat niya sa pisara.

Walang nagtaas ng kamay or naglakas ng loob na tumayo para sumagot. Hanggang sa tumayo ang anak ko na nasa gilid kung nasaan ang upuan ng guro.

Nanlalaki at namamangha ang mga ka klase ko ng ilahad nito ang kamay kay Magnus at kinukuha ang marker sa kanya.

"What do you want baby?"tanong niya kay Zander. "Do you want to answer it?"

Tumango ito bilang sagot. Kaya hindi na mapigilan ang bulong bulungan sa loob ng classroom.

"But this kind of problem can be solve only for my student baby."

"I know the answer papa. No one of your student like to answer it."sagot naman nito sa kanya.

"Well, gugustuhin niyo bang makita at masaksihan kung paano kayo tapatan ng isang apat na taong gulang lamang. Nakinig naman kayo siguro sa lecture ko kanina sa inyo diba." baling niya sa amin. Tatayo na sana ako para ako ang sumagot sa nakasulat sa white board ay may sumagot na gusto nilang makita kung gaano katalino ang anak niya. No! Ang anak ko. Kaya naman sumangayon na rin ang iba sa nagsabi non.

"So, thats it. Okay Class." At muli niyang binalingan ang anak ko. "Show us your answer baby." saka niya ibinigay ang blue marker sa anak ko. "Come on help me lift my table. Para matungtungan ng anak ko."utos niya at tumingin sa amin. Kaya naman ako ang agad na lumapit sa kanila.

"This is your fault. I told you huwag mong dadalhin dito ang anak ko."mahina pero may katigasang sabi ko sa kanya.

"Relax, our baby know how to solve it. Mas nakinig pa siya kaysa sa mga estudyante ko." ganting bulong na sagot niya sa akin pero pasemple lang para hindi mahalata na nagbabangayan na kami.

Binuhat namin ang lamesa niya at idinikit sa white board saka ko kinuha si Zander at ipinatong dito.

"Can you really solve it baby?" bulong na tanong ko sa kanya na agad namang tumango bilang sagot. "Okay, careful. Baka mahulog ka." paalala ko dito.

"Yes dad. Papa Magnus is here to support me." mahina ding sagot nito. Lukong bata. May nalalaman pang pabulong na sagot sa akin.

Hay naku. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako bumalik sa upuan ko.

Ilang sandali pa ay nagsulat na ang anak ko. Hindi man maganda ang sulat niya ngayon ay siguradong sigurado naman sa isinasagot niya sa solving formula na iginuhit doon ni Magnus.

Malakas at maugong na palakpakan ang namayani sa loob ng silid aralan namin at mga bulungan na humahanga sa anak ko ng matapos niya iyong sagutan.

Ngayon, parang ang sikat sikat na tuloy ng anak ko at may iba pa na kumuha ng vedio habang nagsusulat ito sa white board kanina.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now